Commuters may isang buwang palugit para magpabakuna NO ‘VAX, NO RIDE’ POLICY SINUSPINDE

PANSAMANTALANG binawi ng Department of Transportation (DOTr) ang direktibang pagbabawal sa pagsakay ng mga hindi pa bakunado sa mga pampublikong sasakyan sa National Capital Region (NCR).

Sa isang pahayag, binigyan ng DOTr ang mga partially-vaccinated at mga wala pang turok ng bakuna kontra COVID-19 ng 30 araw para makapagpatala at makapagpabakuna sa kani-kanilang lokalidad.

Nagsimula naman ang pagbilang ng 30-araw na ultimatum kahapon (Enero 26) at magtatapos sa ika-24 na araw ng susunod na buwan.

Sa atas ng DOTr, maaaring sumakay sa mga pampublikong sasakyan tulad ng mga bus, dyip at iba pang public transportation sa Metro Manila ang mga hindi pa bakunado mula Enero 26 hanggang Pebrero 24, 2022.

Ayon pa sa kagawaran, bunga ng pag-uusap sa pagitan nina Labor Secretary Silvestre Bello, Interior and Local Government Secretary Eduardo Año at Transportation Secretary Arthur Tugade ang pasyang nagbigay daan para sa 30-day window period para makapagpabakuna ang mga hindi pa bakunado.

Gayunpaman, mahigpit ang tagubilin ng departamento. Anila, hindi na sila pasasakayin ng pampublikong mga sasakyan matapos ang 30-araw na palugit.

“This joint decision is also meant to support the vaccination drive of the entire government. We want our workers to get fully vaccinated especially now that there is no longer a shortage of COVID-19 vaccines, and there is a threat of highly transmissible variants of the virus. We are giving our workers the time to get themselves vaccinated,” ani DOTr Undersecretary for Administrative Service Artemio Tuazon.

“As jointly decided by the DOLE, DILG and DOTr, workers who will remain unvaccinated 30 days after the announcement are not being barred from their workplaces. They are simply not allowed to use public transportation, but can still use other means such as active transport, private vehicles, or company shuttle services.” (JESSE KABEL)

Related posts

Leave a Comment