DUQUE: PINAS, NASA 2ND WAVE NA NG COVID-19 CASES

KINUMPIRMA ni Health Secretary Francisco Duque III na 2nd wave na ng COVID-19 outbreak ang nangyayari ngayon sa Pilipinas.

“Actually, nasa second wave na tayo,” saad ni Duque sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole.

“‘Yung first wave natin nag-umpisa, happened some time in January noong nagkaroon tayo ng 3 Chinese nationals from Wuhan,” paliwanag ng kalihim.

Tinukoy nito ang unang batch ng infection na pawang mga pasyente mula Wuhan City, China.

Una na ring kinumpirma ni Dr. John Wong ng Epimetrics Inc. na nasa 2nd wave na ng outbreak ang bansa.

Hindi naman tinukoy ni Duque kung kelan nagsimula ang 2nd wave subalit nagbabala sa posibilidad ng 3rd wave kung ilalagay na sa general community quarantine ang Metro Manila. DANG SAMSON-GARCIA

Related posts

Leave a Comment