DUTERTE NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG NAT’L HEROES DAY

NAKIISA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko sa pagdiriwang ngayong taon ng National Heroes Day.

Sa naging mensahe ni Pangulong Duterte, sinabi nito na ngayon ay pagbibigay puri at pagbubunyi hindi lamang sa mga ninuno na nakipaglaban para sa kalayaan ng bansa kundi maging sa kabayanihan ng mga nagbuwis ng kanilang buhay para labanan ang iba’t ibang uri ng kaaway.

Ang kasalukuyang hamon aniya na kinahaharap ng publiko na krisis sa pangkalusugan ang nagpatindig sa mga tinatawag na modern day heroes na ayon sa Pangulo ay ang mga Filipino frontliner sa Pilipinas at sa ibang bansa na nakikipaglaban sa pandemya na dala ng COVID-19.

Kaya umaasa ang Pangulo na ang katapangan ng mga Pilipinong bayani noon at ngayon ay magsisilbing inspirasyon sa lahat na harapin at malagpasan ang lahat ng pagsubok lalo na ang “most unfavorable situations”. (CHRISTIAN DALE)

144

Related posts

Leave a Comment