LOCALIZED LOCKDOWN PAIIRALIN

ILO-LOCALIZED ng pamahalaan ang national action plan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa pamamagitan ng pagpapatupad ng lockdown sa barangay level.

Sa public message ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kahapon ay sinabi ni National Task Force COVID-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez, Jr., na ang plano ay ipatutupad sa pamamagitan ng tulong ng local government units (LGUs).

“Ang ginagawa po natin ngayon […] baka hindi na tayo mag-declare ng lockdown per region but ang lockdown na lang natin nito by barangay,”ayon kay Galvez.

“Ibig sabihin, paliitin na lang natin. Ang gagawin po natin is ‘yung barangay na mayroong cases, ‘yun po ang ila- lockdown natin para ma-preserve po natin ‘yung economic po natin,” dagdag na pahayag ni Galvez.

Ayon pa sa opisyal, susundin ng LGUs ang guidelines na ibinigay ng Inter-Agency Task Force.

“So ‘yun lang po na mga barangay o kunyari, for example, may isang compound na apat na pamilya ang affected, ‘yun po ang ila-lockdown natin. Hindi po natin hahayaan sila na makapagkaroon ng infections doon sa economic corridor natin,” diing pahayag ni Galvez. CHRISTIAN DALE

Related posts

Leave a Comment