P8K BAWAT PAMILYA, SA NCR LANG

0

TANGING ang mahihirap na pamilya sa Metro Manila o National Capital Region (NCR) ang makatatanggap ng P8,000 kada buwan habang mas mababa naman sa iba pang region.

Ito ang nabatid sa mga lider ng Kamara kaugnay ng subsidy na ibibigay sa may 18 milyong pamilya sa buong bansa na pinondohan ng P200 Billion sa ilalim ng Republic Act (RA) 11469 o Bayanihan to Heal as One Act.

Base sa outline na inilabas ni House committee on ways and means chairman Joey Salceda, ibinase kung magkano ang subsidy na ibibigay sa bawat pamilya base sa minimum wage.

Ang NCR na pinakamataas ang minimum wage na umaabot sa P537 kada araw ay makatatanggap ng P8,000 kada buwan habang umiiral ang enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

Makatatanggap naman ng P6,500 kada buwan ang mga pamiyang mahihirap sa Region 3 o Central Luzon, na P420 ang minimum wage at Region 4A (Calabarzon) na P400 ang arawang sahod.

Tig-P6,000 naman ang ibibigay sa bawat pamilya sa Region 6, Region 7; Region 10 at Region 11 na ang umiiral na minimum wage ay P365 hanggang P404 samantalang P5,500 naman ang matatanggap ng mga pamilya sa CAR o Cordillera

Autonomous Region; Region 1 (llocos Region ; Region 2 o Cagayan Valley Region.

Pawang tig-P5,000 naman ang ibibigay sa bawat pamilya sa natitirang mga rehiyon tulad ng Region 4B; Region 5;

Region 8; Region 9; Region12; Caraga Region at Autonomous Region in Muslim Mindanao. BERNARD TAGUINOD

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment