Preso inilalapit sa kanilang pamilya kahit may ECQ E-DALAW INILUNSAD NI REP. NOGRALES

UPANG hindi mawalay sa kanilang mga mahal sa buhay ang mga People Deprived with Liberty (PDL) sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ), inilunsad ng Lakbay Hustisya Foundation ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang electronic dalaw sa mga bilangguan sa Metro Manila.

“The lockdown should not be an obstacle to justice. Where there are barriers, we must use the tools available to transcend prison walls and reach out to our PDL,” ani Nograles, founder ng nasabing foundation.

Dahil dito, nag-donate ng 25 sets ng computer ang mambabatas sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para magamit ng mga PDL sa Metro Manila at makausap ang kanilang mga mahal sa buhay.

Simula noong Marso 12, 2020 ay sinuspinde ang pagdalaw sa lahat ng kulungan sa bansa upang maiwasang magkaroon ng kontaminasyon ng COVID-19 sa mga bilangguan sa bansa.

Gayunpaman, sinabi ni Nograles, na isang Harvard trained lawyer na karapatan pa rin ng mga PDL na makamusta ng kanilang mga mahal sa buhay na kaya aniyang gawin sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya tulad ng skype.

“The public have their cellular phones and computers for video calls with their loved ones and online consultations with professionals. The quarantine should not mean that the other rights of our PDL, such as their right to visitation, should be summarily dismissed, especially if we have the technology to bridge the communication gap,” ani Nograles.

Sinabi naman ni BJMP Spokesperson Xavier Solda, malaking tulong ang donasyon ng Lakbay Foundation ni Nograles upang makausap ng mga PDL ang kanilang mga mahal sa buhay at nakikipag-ugnayan na umano ang mga ito sa tanggapan ng kongresista at Humanitarian Legal Aid Foundation para sa libreng online legal service sa mga PDL habang umiiral ang ECQ.

Kasabay nito, muling nanawagan si Nograles na pansamantalang palayain ang mga PDL na vulnerable sa COVID-19 tulad ng matatanda at may iniindang karamdaman, hindi mabigat ang mga kaso at mga first time offender, upang mapaluwag ang mga kulungan at mapairal ang social distancing sa hanay ng mga PDL.

“Besides being the humane thing to do, releasing these prisoners now could avert a major disaster. If the status quo persists we might be passing on an unintended death sentence not only on our prisoners, but also on our jail officers,” ayon pa sa mambabatas na vice chairman ng House justice committee.

“I hope President Rodrigo Duterte and the Department of Justice will address this potential time bomb immediately,” ayon pa kay Nograles lalo na’t apat na beses ang dami ng mga preso sa Pilipinas sa kapasidad ng mga bilangguan, base sa pag-aaral ng World Prison Brief of the London-based Institute for Crime and Justice Policy Research. BERNARD TAGUINOD

Related posts

Leave a Comment