BENEPISYO NG HEALTH WORKERS, TULOY-TULOY

0

TINIYAK ni Senador Sonny Angara na magpapatuloy ang paggagawad ng benepisyo sa mga frontline health worker sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One (Bayanihan 2) kahit mag-expire ang batas sa June 30.

Sinabi ni Angara, chairman ng Senate Committee on Finance na malinaw sa batas na tuloy lang ang mga benepisyo sa mga frontline health worker, kabilang ang kompensasyon kapag tinamaan ng COVID-19 sa kanilang line of duty hangga’t nasa ilalim ng state of national emergency ang bansa.

Alinsunod sa Bayanihan 2, ang mga magkakasakit na health workers ay tatanggap ng P15,000 para sa mild/moderate cases at P100,000 sa severe/critical cases.

Kung bawian ng buhay, ang pamilya nito ay tatanggap ng P1 milyon.

“This provision has been present since Bayanihan 1 and should continue for as long as we are facing the COVID-19 pandemic because our frontline health workers are risking their lives daily to care for those who have been infected since day one,” saad ni Angara.

“The intent of Congress is clear for the compensation to continue even after the expiration of Bayanihan 2 on June 30, 2021. This was agreed upon by both the Senate and the House of Representatives during our bicam meetings on the measure,” dagdag nito.

Kasama rin sa tatanggapin ng mga healthworker ang Monthly special risk allowance; Actual hazard duty pay; Life insurance, accommodation, transportation at meals.

Hanggang noong March 15, 2021, iniulat ng Department of Health (DOH) na 7,963 health workers na tinamaan ng COVID 19 ang nabigyan ng kompensasyon.

“It is clear that our health workers should continue to receive these benefits for as long as we are facing the COVID-19 pandemic. We urge the DOH and the other implementing agencies to continue facilitating the release of the funds intended for our brave health frontliners,” diin pa ni Angara. (DANG SAMSON-GARCIA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment