CPP-NPA LADY CADRE NAPATAY SA SORSOGON

SORSOGON – Isang babaeng kasapi ng local communist terrorist group ang napatay ng military habang ilang mataas na kalibreng baril at mga bala ang nasamsam sa pagsalakay ng mga tauhan ng Philippine Army sa nadiskubreng kuta ng mga rebelde sa lalawigang ito.

Ayon kay Army Capt. John Paul Belleza, DPAO-9TH Infantry Division spokesman, isang babaeng mandirigma ng CPP-New People’s Army ang napatay nang makubkob ang kanilang pinagkukutaan matapos ang 45 minutong sagupaan sa Barangay Daganas, bayan ng Bulan bandang alas-5:28 ng hapon noong Biyernes.

Sinasabing aabot sa 40 communist NPA terrorists (CNTs) mula Komiteng Probinsya 3 ng Bicol Regional Party Committee (BRPC), sa ilalim ng pamumuno ng isang Arnel Estiller alyas “Mando” ang nakasagupa ng mga elemento ng 22nd Infantry Battalion (22IB) at 31st Infantry Battalion (31IB).

Sa ulat, nagsagawa ng security operations ang mga sundalo kasunod ng sumbong mula sa local residents hinggil sa presensiya ng 40 NPA sa area.

Napatay sa nasabing sagupaan ang isang babaeng communist NPA terrorist (CNT) ngunit inabandona umano ng kanyang mga kasamahan matapos na makubkob ng government troops ang
kanilang kuta.

Sa clearing operation, nasamsam ng mga sundalo ang isang M60 machine gun, isang M16 rifle, anti-personnel mine, cellphone, assorted ammunitions, rolyo-rolyo ng electric wire, propaganda
materials at iba pang mga personal na kagamitan.

Ipinag-utos ni Maj. Gen. Henry Robinson ng Joint Task Force Bicolandia (JTFB), sa kanyang mga tauhan na huwag lubayan ang pagtugis sa mga tumakas na mga rebelde.

Pinasalamatan naman ni Maj. Gen. Robinson ang mamamayan kasabay ng pahatid na papuri sa mga taong nagbibigay ng impormasyon hingil sa presensiya ng mga kalaban.

“The encounter was another success on our part — the military and the Bicolano people. Your continuous support even by way of simple sharing of information about the presence of the
terrorists, contributes a lot in our fight against insurgency. Our fight against this terrorist group will soon be over, as the enemy armed elements are now on continuous declining strength,” ani Maj. Gen. Robinson. (JESSE KABEL)

Related posts

Leave a Comment