EMPLEYADO NG 96 PRIVATE COMPANIES, SUMALANG SA COVID TEST

TINATAYANG umabot na sa may 96 kumpanya ang nakatapos na ng kani-kanilang inisyatibong pagsasailalim sa kanilang mga empleyado sa COVID test.

Ito ang ibinahagi ni Dra. Minguita Padilla ng Project ARK sa Laging Handa public briefing.

Ito ang grupong naka-monitor sa hakbangin ng mga nasa pribadong sektor para makapagsagawa ng
rapid at PCR test.

Subalit sa nasabing bilang aniya ng mga kumpanyang nagsagawa na ng COVID test sa kanilang mga kawani, wala pang iniuulat na resulta kung ilan ang positibo o tinamaan ng virus.Ang hawak pa lang aniya nila ay nasa 33,100 results.

Sa ngayon ay nasa 427 pribadong kumpanya ang miyembro ng Project ARK.

Aniya, kabilang dito ang malalaking conglomerate hanggang sa maliliit na mga nasa pagnenegosyo. (CHRISTIAN DALE)

Related posts

Leave a Comment