KASO NG COVID-19 SA MUNDO, HALOS 10M NA

UMAKYAT na sa 9,353,735 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.

Ang 3,774,308 o 98% mula sa nasabing bilang ay nasa mild condition at 57,911 (2%) naman ang nasa serious o critical condition.

Nananatili ang Estados Unidos na may pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa bilang na 2,424,168, habang 123,473 ang binawian ng buhay.

Sumampa naman sa 479,805 ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa deadly virus. Habang umaabot na sa 5,041,711 ang mga nakarekober sa nasabing sakit.

Related posts

Leave a Comment