LEGISLATED FISH HATCHERIES DARAGDAGAN

PARA sa sustainability ng marine product supply ng bansa, isinusulong ni Senator Cynthia A. Villar ang pagtatayo ng karagdagang legislated fish hatcheries.

Pinangunahan ng senador, chairperson ng Senate committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform ang pagdinig sa 11 House Bills at 1 Senate Bill sa pagtatayo ng mas maraming fish hatcheries.

Noong 2020, umabot sa 4.4 metric tons ang total production volume ng pangingisda sa Pilipinas. Sa panahon ding iyon, umabot sa P273.5 billion ang overall production value ng pangingisda sa bansa.

“The fishing industry contributes 1.2 percent to the country’s Gross Domestic Products (GDP) at current prices which is about P228 billion. The fishing industry performance is measured by the contribution of its three sectors. In 2019, the aquaculture sector posted the highest contribution with 52.8% with 2.3 MMT, followed by the Municipal sector with 25% or 1.1 MMT and the Commercial sector with .978 MMT or 22.2 %,” pahayag ni Villar.

Inisponsor ni Villar ang tatlo,pang bill sa hatcheries na itatayo sa Libon, Albay; sa City Environmental Estate of Barangay Santa Lucia sa Puerto Princesa City, Palawan; at sa Batad, Iloilo. Ang mga ito ay nasa second reading sa Senate floor.

Binigyan diin ni Villar na nagbibigay hatcheries ng punla para sa aquaculture. Dito pinasisibol, napipisa at inaalagaan ang punla ng ilang isda at shellfish.

Malaki naman ang ambag ng Aquaculture sa food security, employment at foreign exchange earnings ng bansa. Mas mabilis ang paglago ng Aquaculture kesa sa panghuhuli ng isda.

Base sa report, hindi sapat ang volume ng “fry” na bangus broodstock sa demand nito. Ito ay nagresulta sa 70 percent ng national requirement.
Noong 2020, bumaba ang fisheries production sa -0.3%, ayon sa preliminary statistics ng PSA.

“Fish is the country’s second staple food next to rice. On the average, every Filipino consumes daily 98.6 grams of fish and fish products. The average Filipinos derive 22.5 percent of their annual food intake from fish products, a quarter of their daily diet,” sabi ni Villar.

“Overfishing, illegal fishing and habitat destruction combined with increased demand for fish and population growth continue to drive fisheries production downwards. Villar further explained the bills on fish hatcheries will help solve overfishing and dwindling fish catch in our seas,” dagdag pa niya.

“Strengthening our fishing industry through the establishment of multi-specie marine hatcheries nationwide can provide additional income opportunities to fisherfolks by providing sustainable fish source which will promote for a healthy and affordable food for the rest of the population. A multi-species hatchery facility will further strengthen aquaculture development and further enhance seafood production to benefit local fisherfolks and coastal communities.

A hatchery can be a research station for fish-breeding, or grow out and spawning for various aquatic resources such as groupers, prawns, lobsters, crab, oysters, and other high-value marine species depending on the results of the feasibility study of the area,” paliwanag pa ng senador.

Sa pagdinig, tinalakay din niya ang importation ng galunggong na muling nasa balita dahil inaprubahan ng Department of Agriculture ang importation ng 60,000 metric tons nito sa kabila ng negative recommendation ng National Fisheries and Aquatic Resources Management Council (NFARMC).

“The DA-BFAR cited closed season in three fishing grounds – Northern Palawan (November to January), Zamboanga Peninsula (December to March) and the Visayan Sea (November to January) and the impact of Typhoon Odette that came in mid-December last year and left the fisheries sector with a P3.97 billion damages or 29.8% of the total agriculture damage placed at P13.3 billion,” aniya.

“The new Certificate of Necessity to Import (CNI) comes after a previous one issued August 2021 also for 60,000 MT of round scad (galunggong), mackerel and bonito as recommended by the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) that was due to arrive by end of 2021, has as of January 12, 2022, only registered 36,962 metric tons arrivals and only 14,349 metric tons or 39 percent disposed, leaving 26,413 still at the cold storages. It is also in the news that the validity of the import permits of the non-arrivals have been extended until the end of 2022,” sabi pa ni Villar.

Tiniyak ng Congressmen-authors ng house bills kasama ang mga Mayors na natupad na nila ang initial requirement sa pagtatayo ng 11 hatcheries.
Nangako si BFAR Director Eduardo Gongona sa pagkukumpleto ng 37 legislated hatcheries sa pagtatapos ng 2022 at iniulat na nagbigay sila ng pondo para sa gagawa nito. Aniya, gagastos ang pamahalaan ng P20,000 kada hatchery.

Sinabi ni Dan Baliao, kasalukuyan hepe ng Aquaculture Department (AQD) ng Southeast Asian Fisheries Development Center (SEAFDEC) sa Iloilo na kailangan ang mas maraming facilities upang matugunan ang ang development ng aquatic food sources sa bansa.

“After three years from the establishment, the hatchery facility shall be turned over to the local government unit for them to manage for the benefit of their constituents and nearby areas,” sabi ni Villar na humingi ng approval sa pagtatayo ng hatcheries. (ESTONG REYES)

Related posts

Leave a Comment