MAULAN NA PASKO ASAHAN — PAGASA

0

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG low pressure area ang namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na posibleng maging ika-21 bagyo na papasok ng bansa ngayong taon.

Ayon sa Pagasa kung hindi magbabago ang direksyon ng LPA  ay maaaring maging ganap na bagyo na magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa sa araw ng Kapaskuhan.

Sa ngayon ang sama ng panahon ay namataan 2,000km  sa Mindanao, maaari itong pumasok ng PAR sa Martes, o Christmas eve subalit sa darating na weekend pa lamang ay maaari na itong magdala ng mga pag-uulan sa malaking bahagi ng Mindanao at Visayas .

Sinabi ni Pagasa weather forecaster Sheila Reyes na malayo pa ang sama ng panahon kaya hindi pa madetermina ng Pagasa ang dala nitong lakas ng hangin at ulan.

Samantala isa pang shallow LPA ang namonitor ng Pagasa sa Mindanao ngunit hindi ito inaasahang lalakas pa at matutunaw din sa mga susunud na araw.

Umiiral ang Easterlies sa Eastern Visayas at Caraga na nagdadala ng pag uulan sa lugar habang asahan pa rin ang maaliwalas na panahon sa Luzon kabilang ang Metro Manila sa susunod na 24-oras.

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment