AYALA, MVP MAKUKULONG

FOR THE FLAG

Wala nang atrasan. Tuloy-tuloy na. Naka-todo na pati pato. Ito ang laban ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng taumbayan laban sa ganid na water concessionaires.

Nakaambang sampahan ni Pangulong  Duterte ng kasong economic plunder, syndicated estafa at economic sabotage ang Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water Company, Inc. dahil umano sa mapagsamantalang kontrata na pinasok nito sa gobyerno para sa water distribution.

Sinabi ng pangulo na handa siyang bumagsak para ma­kipaglaban at makamtan ang hustisya para sa taumbayan ukol sa hindi makatarungang kontrata ng Manila Water na pagmamay-ari ng mga Ayala at  Maynilad na pagmamay-ari naman ni Manny V. Pangilinan, na hinihinalang proxy ng Salim Group ng Indonesia.

Ayon sa pangulo, dispalinghado ang kontrata sa kalugihan ng mamamayan kung saan nakasaad dito na hindi maaa­ring makialam ang gobyerno sa pagtataas o pagbababa ng presyo ng tubig.

“Ang masakit diyan, we cannot interfere, kasi they will sue us and these two will be awarded billions,” pahayag ng pangulo.

Nakasaad kasi sa kontrata na anumang interference ng pamahalaan na magreresulta sa kalugihan o hindi nagustuhan ng dalawang water concessionaires ay maaaring ikaso laban sa pamahalaan.

Ayon pa kay Duterte, nakasaad din sa kontrata na wala talagang lugi ang dalawang kumpanya dahil idinidikta sa kontrata na guaranteed ang profit nila at anumang kalugihan ay babayaran ng gobyerno sa kanila na aniya ay umaabot ng bilyong piso.

“Assured income, they (Manila Water at Maynilad) lose, we pay,” ang wika ng pangulo.

Wala din umanong kapangyarihan ang gobyerno sa pagtataas o pagbaba sa paniningil ng dalawang water concessionaire sa consumers.

Higit isang dekada na ring nagbabayad ang bawat kabahayan sa dalawang water concessionaires para sa water treatment ngunit nanatiling mabaho at nagdudulot ng mga sakit ang tubig na nagmumula sa mga gripo.

Ibinunyag ni Duterte na nabuking niyang gawa-gawa lamang ang diumano’y water shortage na inianunsyo ng da­lawang water concessionaires noong nakaraang taon, bukod pa nga sa sablay na serbisyo at napagsasamantalahan ng daan-daang bilyong piso ang taumbayan at pamahalaan.

“That to me is economic sabotage,” pagdidiin ng pangulo.

“Ganito ‘yan, maraming tubig, ang problema ibinigay natin sa mga torpeng hindi nga mga PIlipino halos o Pilipino ‘yan walang kaluluwa, ‘yang Manila Water pati Maynilad, kay Pa­ngilinan pati kay Ayala. Matagal na ito kaso walang pumipiyok kasi nga takot sa pera ni Ayala at ni Pangilinan. But, when I saw the contract . . . they are ­screwing us by the billions,” pahayag ni Pangulong Duterte.

“Sila ang distributor, atin ang tubig, but in the contract itself the water which is a natural resource of any country is categorized not as a natural resource but being treated as a commodity!”  ayon pa sa pangulo.

“Water is part of the national patrimony, but in the contract, our country surrendered to Manila Water and Maynilad ­everything including sovereignty, we have bargained it away,” pahayag ni Duterte.

“Itong Maynilad at Manila Water distributor  sila, pero atin itong tubig as part of the patrimony of the nation, ngayon they entered into a contract, kagagawan ito ng mga lawyer, kaya ibinuko ko itong si Frank (Drilon),” giit pa ni Duterte.

“This will be a bloody war, habulin ko talaga kayo,” dekla­rasyon pa ni Presidente Digong.

Ang masasabi ko, bilang mamamayang Filipino, “kasama mo kami diyan sa digmaang ‘yan Pangulong Duterte.” (FOR THE FLAG / Ed Cordevilla)

143

Related posts

Leave a Comment