JESSICA SOHO BIASED?

UMANI ng samu’t saring reaksyon ang hindi pagdalo ni ­dating Senador Bongbong Marcos (BBM) sa imbitasyon ni Jessica Soho sa presidential aspirants’ interviews kamakalawa ng gabi sa GMA-7.

Sa reaksyon ni dating Senate President Juan Ponce Enrile, “Kung ayaw niya, bakit mo pipilitin. Kung iniisip niya na hindi niya kailangan ‘yung interview na ‘yun e, ano ang pakialam ni Jessica. What power does she have to compel a candidate to go there and listen to her questions? Too presumptuous. Kung may freedom of the press, may freedom din ‘yung ini-interview”.

Ayon naman sa inilabas na statement sa social media ng tinaguriang Appointed Son of God na si Pastor Apollo Quiboloy, “Tama lang ang ginawa ni dating Sen. Bongbong Marcos na hindi siya dumalo sa imbitasyon sa kanya dahil biased ang broadcast media na nag-imbita sa kanya, papasukin lang siya sa mga question na patibong”.

Sa inilabas namang statement ni Atty. Vic Rodriguez, Executive Vice President ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Chief of Staff at Spokesperson ni Presidential aspirant Bongbong Marcos, “Ang rason kung bakit hindi siya sumama sa Jessica Soho show dahil naniniwala sila na biased ang host laban sa mga Marcos. Sa halip ay magpopokus na lang daw ang UniTeam sa pagtulong sa pagresolba ng mga problema na dulot ng COVID-19.

Ilalatag din ni BBM sa taumbayan ang kanyang mga programa at plano para ang bansa ay makaabante na.

Kabilang dito ay ang ‘economic plans, vision on education and digital infrastructure, employment creation, ensuring food security through a robust agriculture, how to bring the cost of power more affordable and all the way to our national sovereignty’.

Ang pahayag nina dating Senador Enrile, Pastor Quiboloy at Atty. Rodriguez ay sinang-ayunan din ng mga Pilipino na hindi nagpaunlak si BBM sa nasabing imbitasyon dahil wala siyang maaasahang patas sa gagawing pagtrato ni Soho sa interview sa kanya.

Si Soho ay matagal nang kilalang kritiko ng mga Marcos noong araw pa, kaya mas makabubuti kay BBM na hindi siya dumalo sa nasabing imbitasyon.

Kung si Jessica Soho ay may milyong viewers sa kanyang mga programa ay mas maraming milyong viewers din na vloggers at mainstream media na naniniwala sa plataporma ng batang Marcos.

Ang paniniwala nila ay walang anumang kapalit dahil nakita nila na sa kabila ng mga paninira at pananabotahe kay BBM ay wala siyang iginaganting masasamang salita laban sa kanila.

Naniniwala rin ang nakararaming Pilipino na kapag si BBM ang naging pangulo ay babalik ang “Bayanihan” sa lahi ni Juan dela Cruz.

Bagama’t binabato ng putik ng mga kritiko si BBM ay nananatili ang kanyang panawagan ng pagkakaisa para makaahon ang bansa sa kahirapan dulot ng COVID-19 na dalawang taon nang pinahihirapan ang mga Pilipino.

Malakas din ang paniniwala ng mga Pilipino na ang hindi pagdalo ni BBM sa imbitasyon ng Jessica Soho show ay hindi makakaapekto sa pagtanggap sa kanya ng taumbayan.

Sa halip ay ikinatuwa nila ito tulad ng sinasabi ni Pastor Quiboloy na hindi nasilo si BBM sa patibong na mga tanong na paulit-ulit na ipinupukol sa mga Marcos.

Taumbayan pa rin ang magdedesisyon kung tuluyan nang makakabalik ang mga Marcos sa Palasyo ng Malakanyang pagkatapos ng May 9, 2022 national at local elections.

Mabuhay ang mga Pilipino! Move on din pag may time, hindi laging paninira lang para makakuha ng simpatiya. Sawa na ang mga Pilipino sa ganyang style.

Batu-bato sa langit ang tamaan ay ‘wag magalit.

oOo

 

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-50-07.

177

Related posts

Leave a Comment