OFW NA-MILD STROKE, NAKIKIUSAP NA MAKA-UWI NA SA PILIPINAS

0

ISANG liham ang aking natanggap mula sa isang OFW na nagmamalasakit sa isang kapwa OFW mula sa bansang Kuwait.

Humihingi siya ng tulong para kay Nanay Arsenia Tungol, 66 taon gulang na isang Household service workers sa loob ng mahigit 22 taon.

Masasabing hindi na maganda ang kalusugan ni Nanay Arsenia simula ng ito ay na-mild stroke noong Nobyembre 2020.

Ngunit kahit na anong kagustuhan ni Nanay Arsenia na makauwi sa Pilipinas, ay hindi niya magawa dahil sa kanyang kinakaharap na travel ban.

Diumano ay humiram ng halagang 500 Kuwait Dinar si Nanany Arsenia mula sa Future Lending na pag-aari ng isang Indian National na taga-Fahaheel.

Ayon kay Nanay Arsenia ay nakapag bayad naman sya ng kanyang pagkakautang, ngunit noong siya ay pauwi na sa Pilipinas ay hinarang siya ng Kuwait Immigration police at doon lamang niya nalaman na siya pala ay kinasuhan ng Future Lending kung kaya siya ay nagkaroon ng travel ban.

Base sa impormasyon na kanyang nakuha, umabot na sa halagang KD 1,500 ang ­kayang pagkakautang sa Future ­Lending dahil sa interest.

Kung saan-saan opisina ng gobyerno na humihingi ng tulong ang anak ni Nanay Arsenia na si Angelito Galvez ngunit walang makatugon sa kanyang ­kahilingan.

Kung kaya, humantong na ito sa pagpapaskil ng panawagan sa pamamagitan ng Facebook.

Labis akong nalulungkot sa naging sitwasyon ni Nanay Arsenia, ngunit ang kamay ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay mistulang nakatali na hindi maaring makapagbigay ng tulong pinansiyal upang bayaran ag kanyang pagkakautang.

Hindi kasi sakop ng mandato ng OWWA na maglabas ng malaking halaga upang bayaran ang pagkakautang ng isang pribadong individual.

Marami na ang OFW ang nakiusap sa akin na may kaparehong sitwasyon. Sa bansang Kuwait pa lamang ay mayroong mahigit isandaan OFW ang hindi makauwi sa Pilipinas dahil sa travel ban dahil sa kanilang pagkakautang sa Telecom companies, banko at sa mga usurero.

Gayundin ang panawagan ng grupo mula sa Bansang Saudi Arabia, Dubai at sa Qatar na kung saan ay maaring umabot sa 500 katao ang may ka parehong kaso o sitwasyon.

Kung pagbibigayan ng OWWA ang isa sa mga ito, ay malamang na ikasama ng loob ng mas maraming OFW. Gayundin, kung aakuin ng OWWA ang pagbabayad sa pagkakautang ng mga OFW para sa mga biniling mga mobile phones at personal loan ay malamang na mas darami ang mga OFW na maeenganyo na mangutang dahil sa paniniwalang aakuin ito ng ating gobyerno lalo na ng OWWA.

Kapag ginawa ito ng OWWA ay malamang na malulubog lamang sa pagkakautang ang maraming OFW.

Kung kaya, aking ipinapakilala sa ating mga kabayani na maging ma-ingat sa paghiram ng pera lalo na sa mga usurero at Telcom.

Gayunpaman, ang AKOOFW at OWWA ay makikiusap sa Future Lending upang makipagkompromiso na ­mabawasan ang halaga ng pagkakautang ni Nanay Arsenia at tanggalin na lamang ang interes nito.

Akin din pinagbilinan ang AKO OFW Kuwait Chapter na gumawa ng paraan upang mag-ambagan para matulungan ito na makabayad sa kanyang pagkakautang at ng sa gayon ay makauwi na ito sa Pilipinas upang makapiling ang kanyang mga mahal sa buhay.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment