PAGBABAYAD NG MGA BILLS, MAS PINAGINHAWA NG BAYAD

HALOS mag-iisang taon na mula nang binalot ng ­pandemyang COVID-19 ang mundo. Tila pansamantalang huminto ang mundo noong mga unang buwan, ngunit kinalaunan ay natutunan at nakahanap din tayo ng paraan na magpatuloy sa buhay sa kabila ng pandemya.

Ito ang siyang nagbigay daan sa pagkakaroon ng bagong normal. Hindi lamang mga indibidwal ang umangkop sa bagong normal. Maging ang mga negosyo at mga kumpanya ay nagkaroon din ng bago nitong normal upang makapagpatuloy sa operasyon nito.

Kabilang sa mga kumpanyang tagumpay sa pagsabay sa bagong normal ay ang Bayad Center, na siyang nagpasinaya sa bago nitong pangalang BAYAD. Kasabay ng pagkakaroon ng bagong normal, ay ang paglalayon nitong makapagbigay ng mas pinahusay at mas pinagandang serbisyo ng pagbabayad sa mga konsyumer.

Sa isang virtual na pagdiriwang ay opisyal na inilunsad ng nasabing kumpanya ang bago nitong pangalan, bagong logo, at tagline. Mas pinalawig pa ng BAYAD ang kanilang presensya online. Ito ay maituturing na magandang kontribusyon ng BAYAD sa pagsulong ng pinansyal na sektor ng bansa patungo sa modernisasyon.

Gamit ang dalawampung taong karanasan nito, muling nagpakilala ang BAYAD bilang isang mas malaki at mas mahusay na kumpanyang may kakayahang sumabay sa pagbabago sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga konsyumer ng mahusay na uri ng serbisyong naaangkop sa bagong normal.

Ang pagbabago ng pagkakakilanlan nito gaya ng pangalan, logo, at tagline ay ilang aspeto lamang ng buong transpormasyon ng nasabing kumpanya. Mas pinahusay nito ang serbisyo sa pamamagitan ng pagpapalawak ng solutions portfolio nito at ng onsite-to-online na platform. Nadagdagan din ang mga partner nitong kumpanya.

Ang bagong BAYAD ay talagang mas mahusay dahil ang lahat ng mga uri ng bayad gaya ng mga bill, Instasure (insurance), load, travel, pay-out (loan disbursement), Withdraw (ATM Description), Remit, at Med-assist (medical reimbursement) – ay nasa ilalim na ng isang pangalan. Mas kaaya-aya rin ang bagong itsura ng pagkakakilanlan ng BAYAD, lalo na para sa modernong henerasyon ng konsyumer.

Pinaigting din ng BAYAD ang presensya nito online sa pamamagitan ng pagpapakilala ng bagong bersyon ng kanilang mobile app at online payment facility. Ang nasabing app ay dinesenyo para sa mga Pinoy na mahilig at marunong ­gumamit ng internet sa responsableng pagbabantay ng kanilang gastusin habang kumikita ng eksklusibong insentibo.

Napakarami ring magagandang mga kagamitan ng app gaya ng e-wallet at e-load, pagtingin ng mga bill at pagbabayad, personal na pangangasiwa ng pera, pagbabayad sa pamamagitan ng QR code, mga reward, insurance, savings account, personal na loan, at sistema ng credit scoring.

Ang lahat ng pagbabagong ito ay isinagawa ng BAYAD upang mas mapahusay ang serbisyong ibinibigay nito sa mga konsyumer. Layunin ng BAYAD na mabigyan ng ­maraming ­opsyon ang mga customer nito lalo na ngayong panahon ng pandemya. Ang BAYAD App ay maaaring gamitin ng konsyumer kahit nasaang bahagi pa ito ng mundo. Tiyak na magiging maganda at maginhawa ang karanasan ng mga customer ng BAYAD.

Ang Bayad App ay ­maaaring i-download sa Google Playstore para sa mga ­gumagamit ng Android, at App Store ­naman para sa mga ­gumagamit ng iOS. Ang Bayad Online naman ay ­maaaring magamit sa pamamagitan ng link na ito: https://www.online.bayad.com.

110

Related posts

Leave a Comment