QUEZONIAN AT SI DOKTORA HELEN TAN

DAHIL sa likas na pagiging matulungin at madaling lapitan bukod pa sa kaliwa’t kanang mga proyekto ay patuloy na lumalakas ang suporta ng ­Quezonian kay Quezon 4th District Representative Doktora Helen Tan.

Maging ang mga taga-barangay na nag-tsa-chat o lumalapit sa kanya ukol sa kanilang mga problema ay hindi niya ­binibigo at ito’y inaaksyunan agad ni Congresswoman Tan.

Patunay riyan ay ang agarang aksyon ni Doctora Helen Tan sa inilapit ni Kagawad Renan ­Ferrer ng Brgy. Concepcion ­alasan para sa kanyang constituents na nangangailangan ng oxygen.

Kabilang din sa mga tinulungan ni Doktora Tan ay ang ating mga alagad ng batas nang magkaloob ito ng dalawang sets ng computer sa pulisya ng bayan ng Calauag.
Ito’y dahil sa kailangan ng mga alagad ng batas sa kanilang trabaho ang computer.

Hindi lang kay “The Gov Doctor” Helen Tan nagpasalamat ang mga miyembro ng Calauag PNP kundi maging kay Atorni Mike Tan.

Maging ang ilang tulay na mag-uugnay sa ilang barangay sa Calauag ay sinimulan na rin dahil sa mabilis na pag-aksyon nito sa mga importanteng istruktura na kailangan sa naturang lugar. Maituturing na serbisyong tunay at natural ang dala ng kongresista.

Ang tulay na ipinagagawa, ayon kay Doktora Helen, ay para sa mga nakatira sa Barangay Tiniguiban, Brgy. Tamis, Brgy. Sinag at Brgy. Dapap.

Ganyan ang mga proyektong napapanahon at kapaki-pakinabang para sa mga taga-Quezon. Dahil ang maayos na daan ay susi sa kanilang masaganang kabuhayan.

Hindi lamang sa mga pro­yekto maaasahan si Congresswoman dahil maging sa paggawa ng batas ay maasahan mo ito, patunay dyan ay ang kalalagda lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na Republic Act No. 11642 o ang “Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act” kung saan si Doktora Helen Tan ang principal ­author.

Kung hindi ako nagkakamali, sa pamamagitan ng nasabing batas, magtatatag ng National Authority for Child Care (NACC) na magiging isang attached agency ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi pa ni Doktora Helen Tan na layunin ng batas na ito na magkaroon ng isang ahensya na nakatutok sa maayos, mabilis, at tamang proseso ng pag-aampon.

Ayon pa kay Doktora Helen, isa sa mga layunin niya bilang may akda ng batas ay ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga nais at kuwalipikadong mag-ampon sa mas mabilis na proseso at dumaan sa pagsusuri ng ating mga eksperto.

At kung papalarin at manalong gobernador ng lalawigan ng Quezon si Doktora Helen Tan, ay masasabing nasa mahusay na lingkod bayan ang mga taga lalawigan ng Quezon at mas lalo pa nitong mapapaganda ang ­Quezon Province.

Related posts

Leave a Comment