TIGIL-BAYAD MUNA HABANG NASA PANDEMYA

Bilang paghahanda sa pagtama ng isa pang hindi inaasahang public health emergency, ating isinusulong ang tigil-bayad sa lahat ng residential utility bills tuwing tayo ay nasa tinatawag na State o  Calamity.

Sa ilalim ng House Bill No. 6960 or the Utility Bills Moratorium Law na inihain natin sa Kamara, ang moratorium ay awtomatikong ipapataw sa mga singil ng kuryente, tubig at telepono sa mga lugar kung saan pinatutupad ang enhanced community quarantine.

Hindi natin nais na mangyari ang isa pang public health emergency sa bansa, ngunit dapat tayong maging makatotohanan na maaaring ang susunod na epidemya ay nandyan lamang. Sa ngayon, kahit na nakikipagbuno pa rin tayo sa pandemya, kailangan na nating punan ang kakulangan upang hindi tayo mangangapa kapag dumating ang susunod na krisis sa pampublikong kalusugan.

Kapag pumasa ang panukalang-batas, ito ay magbabawal sa mga may-ari ng public utility franchises at lahat ng service providers mula sa paniningil o pagputol ng serbisyo dahil sa hindi pagbabayad sa panahon ng quarantine. Gayunpaman, ang mga customer o subscribers ay hindi pinipigilan na magbayad ng kusang-loob.

Ang anumang halaga na dapat bayaran at hinihiling sa panahon ng moratorium ay maaari ding hulugan nang walang interes sa loob ng tatlong buwan – isang buwan pagkaraan ng pagtatapos ng state of calamity.

Ang panukalang batas na ito ay tugon sa mga hamon na kinaharap ng ating kapwa Pilipino sa panahon ng ECQ.

Batid natin at kinikilala ang daing ng bayan na hindi makataru ngan na maputulan sila ng kritikal na serbisyo dahil sa bagay na wala sa kontrol nila.

Tinitiyak natin sa mga service providers na habang ang morato rium ay ipinaiiral, ang kanilang mga interes ay mapoprotektahan pa rin dahil ang panukala ay magbibigay ng suporta sa pamahalaan kapag ang kalagayan ng kalamidad ay magpapatuloy o pinalalawig.

Sa ating panukala, sa panahon ng public health emergency kung saan ipinatupad ang enhanced community quarantine ng lampas tatlong buwan, ang gobyerno ay dapat magbigay ng subsidiya sa mga service provider batay sa itinakda o pasya ng angkop na regulatory agencies.

Bigyan natin ng kapahingahan ang mamamayan, lalo na sa mga ganitong panahon.

Related posts

Leave a Comment