NP-AKG no. 2 most wanted LAPPAY KFRG MEMBER ARESTADO

0

ISANG kilabot na miyembro ng Lappay kidnap for ransom group ang nadakip ng mga tauhan ni BGen. Jonnel C. Estomo, pinuno ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group, sa isinagawang law enforcement operation sa Las Piñas City.

Ayon kay BGen. Estomo, bandang alas-3:50 ng hapon noong Miyerkoles nang nadakip ng kanyang mga tauhan, sa pamumuno ni PNP-AKG Luzon Field Unit chief, P/Col. Villaflor Bannawagan, ang suspek na si Elpidio Escubido Edusma sa Saint Vincent St., Saint Joseph Subdivision, Pulang Lupa, Las Piñas City.

Si Edusma alyas “Edwin” ay pakay ng warrant of arrest sa kasong kidnapping for ramsom, na inisyu ni Hon. Ethelwolda Ajaravata, Presiding Judge ng RTC Branch 32 ng 1st Judicial Region sa Agoo, La Union at walang piyansang inirekomenda.

Ayon kay Major Ronald Lumactod, tagapagsalita ng PNP-AKG, ang akusado ay hardcore member ng kilabot na Lappay KFRG na kumikilos sa Region 1, simula noong 2014.

Isa sa mga biktima ng grupo ang isang prominenteng negosyante na si Eng. Ricky C. Accay na dinukot noong Hunyo 30, 2014.

Pinalaya lamang ang biktima matapos magbayad ng P700,000 mula sa sa hinihinging P5 milyon.

Kasalukuyang nasa AKG Headquarters ang suspek para sa booking procedures and tactical interrogation. (JESSE KABEL)

Related posts

Leave a Comment