TSERMAN NA MIYEMBRO NG LGBT ITINUMBA

0

ILOILO – Patay ang isang kontrobersyal na barangay chairman na kasapi ng LGBT community, nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek sa bayan ng Calinog sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga.

Ayon sa pulisya, pauwi ng Tapaz, Capiz ang biktimang si Julie Catamin, 49-anyos, nang pagbabarilin ng mga lalaking nakasakay sa motorsiklo.

Nabatid na si Catamin ay kasalukuyang punong barangay ng Barangay Roosevelt sa bayan ng Tapaz.

Base sa inisyal na imbestigasyon, lulan ng kanyang motorsiklo si Catamin at binabagtas ang Barangay Malitbog Centro, Calinog nang dikitan at pagbabarilin ng mga suspek na sakay rin ng motorsiklo, saka mabilis na tumakas.

Sinubukang pang itakbo sa pagamutan si Catamin ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician dahil sa tama ng bala sa likod. (JESSE KABEL)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment