ANG WISH NI LOTLOT SA WEDDING DAY NIYA: SANA DUMALO SI MOMMY GUY

(By RONALD M. RAFER)

Wala pang balita kung dadalo si Superstar Nora Aunor sa nalalapit na kasal ni Lotlot de Leon sa Lebanese fiance nito na si Fadi El Soury sa Dec 17 sa isang beach resort sa Batangas. Kumpirmado naman na darating  si Christopher de Leon at excited na raw ito.

Ang only son ni Lotlot na si Diego Guttierez ang maghahatid sa kanya sa altar. Maid of honors naman ang 3 daughters nya na sina Janine, Jessica at Maxine. Groomsmen sina Ian de Leon, at mga kapatid na sina Kiko at Kenneth. Join din syempre si Matet de Leon sa mga abay at si Rayver Cruz na isa rin sa mga best men.

Mas magiging masaya siguro si Lotlot sa araw ng kanyang kasal kung darating si ate Guy . Wish din ‘yun ni Lotlot at time na rin ‘yun para magkapatawaran kung anumang tampuhan meron sila.

We remember Lotlot saying in her past interviews na: “Pag hindi na kaya ni Mommy (Nora), o nagkasakit sya, ako ang mag-aalaga sa kanya.”.

Mahal na mahal ni Lotlot si ate Guy kaya sana matupad ang wish nya sa araw ng kanyang kasal.

Related posts

Leave a Comment