YASSI AT SAM “NAG-LOCK-IN” SA BAGUIO

0

MAPAPANOOD na sa iWant simula March 18 ang ‘The Tapes’ na pinagbibidahan nina Yassi Pressman at Sam Milby.

Sa Baguio kinunan ang mga eksena para sa naturang digital series. Ayon sa aktres ay malaki ang naitulong ng kanilang lokasyon para sa tema ng bagong proyekto.

“Mararamdaman mo ‘yung eeriness and ‘yung creepiness. At the same time, meron ding lightness kasi si Alice at Cruz (karakter nina Yassi at Sam) very close sila. Para silang best friends pero hindi. So nagba-balance siya do’n sa contrast ng story,” pagbabahagi ni Yassi.

Matatandaang nagkatambal sa pelikulang ‘Ang Pambansang Third Wheel’ sina Yassi at Sam noong 2018. Mas naging malapit na raw ang dalaga sa aktor ngayon dahil matagal nagkasama sa Baguio.

“Kasi nag-lock-in sa Baguio. Talagang magkasama kayo pagkagising, dinner, lunch. It was really the whole production that got really, really close. Lahat kami magkakatabi lang, and playing the guitar. It felt like we were in the 90’s talaga kasi walang signal. Totoo talaga ‘yung nandoon sa story. So the bond is really, really tight,” nakangiting kwento ng dalaga.

Pulis ang karakter ni Yassi at talaga namang kailangan daw pakaabangan ng mga manonood ang bagong proyekto dahil sa kakaibang istorya nito.

Masayang-masaya rin ang aktres dahil bukod sa telebisyon at pelikula sa sinehan ay nagkaroon na rin siya ng isang digital project.

“Actually ‘yon ‘yung kinaka-excite ko kasi wala pa talaga akong napapanood na parang ganitong vibe. It’s very far from ‘yung mga mahal natin na pelikula, mga mahal natin na series. It’s beautiful that ABS-CBN has provided a platform for the Filipinos, siyempre na anywhere, anytime. Sa iWant pwede mong makuha ‘yung mga project na hindi po natin makukuha on the mainstream TV saka po sa cinemas. So it’s a very experimental platform,” pagtatapos ng aktres.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment