VFA SA CHINA, NO WAY

DPA

HINDI eksperto ang inyong DPA as in Deep Penetration Agent sa usapin ng national security pero bilang  Filipino mayroon akong sariling opinyon at mga katanungan na alam kong hindi lahat ay sumasang-ayon hinggil sa  plano ng gobyerno na buwagin ang Philippine – US Visiting Forces Agreement (VFA).

Kapag tuluyan bang nawala ang presensya ng mga Amerikano sa Pilipinas, ang papalit ba ay ang  People’s Liberation Army (PLA) ng China na matalik na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte?

Hindi iyan malayong mangyari dahil sa ‘magandang relasyon’ ni Duterte sa China sapagkat habang b­inabakbakan nito ang Amerika ay panay ang puri naman niya sa China na nangakong pauutangin siya para sa kanyang dream projects.

Hindi ko naman masisisi ang mga pabor sa pagbuwag sa VFA dahil deka-dekada na nating kaalyado ang Amerika at napakarami nang military agreement na napirmahan at umiiral na pero mga pinaglumaang military hardware lang ang ibinigay nila sa ating Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang hindi ko alam ay kung papaano tatanggapin ng mga Filipino sakaling papalitan ng PLA ang US military sa ating bansa dahil kahit minsan hindi lumabas sa survey na mas nagtitiwala ang Pinoy sa China kumpara sa Amerika.

Hindi ko naman masisisi ang ating mga kababayan na mawalan ng tiwala sa China dahil mula 1995 ay sinakop nila ang ating mga reef sa West Philippine Sea na ti­nayuan nila ng kanilang military bases at naka-deploy na doon ang kanilang mga military hardware. Kaibigan daw natin sila pero ginugulangan at iniisahan tayo.

Sabi nga ni Pangulong Duterte, huwag galitin ang China dahil sa loob ng 7 minuto ay kaya nilang durugin ang Metro Manila. Iyon ay marahil bunga ng mga report na nakaumang sa atin ang kanilang missles sa West Philippine Sea.

Tuluyan na ring kinontrol ng China ang Scarborough shoal at itinataboy na nila ating mga kababayang ma­ngingisda sa loob ng ating teritoryo at base mga report, sinisira na ng Chinese ­fishermen ang mga coral reef doon, sa madaling salita itinataboy  tayo  mula sa sarili nating bayan. Masakit yun!!

Kung talagang ayaw ng gobyerno ay dapat huwag nang gumawa ng mga bagong military agreement sa kahit anong bansa lalo na sa China o kahit sa Russia na isa rin sa kaibigan ni Duterte.

Kung ayaw natin na pinakikialaman ng ibang bansa, nararapat lamang na walang bagong military agreement na mabubuo lalo na sa China dahil tiyak na papalag at papalag ang mga Filipino.

Oo, papautangin tayo ng China para maitayo ang mga proyektong magpapaunlad sa ating bayan pero hindi ba’t  utang pa rin yun. Babayaran natin lalo na ang mga susunod na henerasyon.

Teka, magkano na ba ang naipautang ng China sa Pilipinas? Patapos na ang termino ni Pangulong Duterte pero wala pa tayong impormasyon kung naibigay na ba lahat ng mga ipinangakong pautang?

 

Read More

NCOV DEATH TOLL SA CHINA: 811

PUMALO na sa 811 ang bilang ng mga namatay sa coronavirus.

Dahil dito, nahigitan na ng nasabing virus ang SARS noong 2002-2003 kung saan nakapagtala ng 89 na pagkamatay sa loob ng isang araw.
Ang SARS o Severe Acute Respiratory Syndrome ay may 774 na namatay.

Sa coronavirus deaths, 81 ay sa Hubei province lang.

Nababahala na ang buong mundo sa bilis ng pagkalat ng virus at umaasang makahahanap ng vaccine sa lalong madaling panahon.
Ang total confirmed coronavirus case ay nasa 37,198 at ito ay sa China pa lang.

Kaugnay naman ng peligro sa nCoV, hinihikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na umiwas muna sa mga event na maraming tao upang hindi mahawa sa naturang sakit.
“To further minimize the risk of contracting 2019-NCoV ARD, the public is advised to avoid crowded places and continue to practice self-practice measures,” ani Heath Secretary Duque III sa isang pahayag.

Bukod dito ay inirerekomenda rin ng kagawaran ang pagsuspinde sa mga public event ‘until further notice’ ngunit, depende pa rin daw ito sa organizer ng event. KIKO CUETO, DAHLIA S. ANIN

Read More

DOH DOBLE-INGAT SA MISTERYOSONG SAKIT

DOBLENG pag-iingat ang ginagawa ng Department of Health laban sa mga biyahero mula China kung saan isang sakit na misteryoso pa ang pinagmulan – na may sintomas ng pneumonia – ang tumama sa halos 60 katao.

Gumagamit ang health officers sa airport ng thermal scanners sa mga pasaherong galing ng China, na kailangng sumailalim sa physical examination at quarantine kung may sinat, ubo at sipon ang mga ito, ayon kay DOH spokesperson at Undersecretary Eric Domingo.

“Medyo doble-ingat lang naman po tayo. Basta po galing China, mas tutok lang ang ating mga thermal scanner,” sabi nito sa radio DZMM.

Ang impeksiyon ay unang naireport sa Wuhan, isang lugar sa central China,  na may populasyon ng mahigit sa 11 milyon.

Nagkaroon din ng ispekulasyon na posibleng ang nakahahawakang SARS ang sakit na namumbalik at pumatay sa daan-daang katao mahigit isang dekada na ang nakalilipas.

Gayunman, itinanggi na ito ng China at pinarusahan na ang walo katao na naglathala ng balita nang walang pahintulot sa kanilang health department.

Ang mga pasyente ay pawang nilalagnat at ilan sa mga ito ay naninikip ang dibdib. Sa chest radiographs ay makikita ang ‘sugat’ sa mga baga.

Malubha ang mga pasyente ngunit wala pang naiuulat na namamatay.

Para maiwasan ang sakit, pinayuhan na iwasan ang lugar na maraming tao, magsuot ng face mask, dalasan ang paghugas ng kamay, ayon pa kay Domingo.

Read More

CHINA MAKIKINABANG SA CHA CHA

(NI BERNARD TAGUINOD)

KUNG mayroong higit na makikinabang sa Charter Change (Cha Cha) na nakalusot na sa committee level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay hindi ang mga Filipino kundi ang China na kaibigan ng administrasyon.

Ito ang paniniwala ni ACT party-list Rep. France Castro matapos aprubahan sa House committee on constitutional amendments na pinamumunuan ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang Resolution of Both Houses para amyendahan ang 1987 Constitution.

Ginawa ni Castro ang pahayag dahil bukod sa pagpapalawig sa termino ng mga halal na opisyales ng gobyerno mula Mayor hanggang Senador ay bubuksan ang ekonomiya sa mga dayuhan.

“Nakikita na natin ang mukha nitong kasalukung administrasyon kung saan patutungo ito (Cha Cha) yung pagbubukas pa lalo (sa ekonomiya). Alam naming natin na nakikipagkabigan ang administrasyong ito sa China. Kaya pagbubukas ito sa friend daw ng ating gobyerno,” ani Castro.

Sinabi ng mambabatas na kabilang sa mga bubuksan ang ay natural resources ng bansa tulad ng langis, kagubatan at iba pa maliban sa mga lupang sakahan na posibleng pasukan ng mga Chinese nationals kapag nagkataon.

Maging ang sektor ng edukasyon, kalusugan, media at iba pa ay puwede nang pasukan ng mga dayuhan na hindi na kailangan umano ng partner na Filipino kapag naamyendahan ang Saligang Batas.

Dahil dito, sinabi ng mambabatas na kanilang lalabanan ito, hindi lamang sa loob ng Kongreso kundi sa lansangan upang maprotektahan ang interes ng mamamayang Filipino.

Ang nasabing panukala ay unang ipinasa sa isang Executive session na ipinatawag na komite kamakalawa  at nakatakda umano itong isalang sa ikalawang pagbasa sa susunod na linggo.

Read More

PAGKONTROL NG CHINA SA POWER GRID SYSTEM NG PH, BUBUSISIIN

doe

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NAIS ni Senador Risa Hontiveros na busisiin ng Senado ang sinasabing pagpasok at pag-kontrol ng China sa power grid system ng Pilipinas.

Sa kanyang Senate Resolution 223, isinusulong ni Hontiversos ang pagsasagawa ng imbestigasyon ‘in aid of legislation’ at national security audit sa operasyon at mga pasilidad ng National Grid Corporation (NGCP), ang power transmission service provider ng bansa.

Sa tala, 40 percent ng NGCP ay pag-aari ng State Grid Corporation of China.

Iginiit ni Hontiveros na sa pamamagitan ng audit, marereview at ma-eevaluate ang performance ng NGCP at maiimbestigahan ang ulat na kontrolado na ng China at may kapangyarihan itong i-shutdown ang power transmission system ng bansa.

“We need to know for certain if our energy systems and infrastructure fully remain under Filipino control, and if we have implemented the technical safeguards needed to prevent foreign interference in or sabotage of our national electricity grid,” giit ni Hontiveros.

Tinukoy ng senador ang mga ulat na mga foreign executives ng NGCP na ang nagha-hire at nagde-deploy ng foreign drivers at engineers na paglabag naman sa Konstitusyon ng bansa.

Sa deliberasyon sa Senado sa budget ng Department of Energy, inamin ni National Transmission Corporation (TransCo) President Melvin Matibag na may kakayanan ang isang 3rd party na i-disable ang power grid kasabay ng kumpirmasyon na bagama’t may oversight functions ang ahensya, limitado lamang ang access nila sa  pasilidad ng NGCP.

“If these reports are true, these vulnerabilities pose a grave risk to public infrastructure, to national security, and to the daily lives of our people. We must address and correct these flaws immediately,” diin pa ni Hontiveros.

Read More

CHINA-MADE BLACKOUT IKINABAHALA SA SENADO

(NI NOEL ABUEL)

BINALAAN ni Senador Risa Hontiveros ang ‘black-made blackout’ na maaaring sumabotahe at maparalisa ang sistema ng elektoral at ekonomiya ng bansa.

Sinabi ito ng senadora sa gitna ng pag-access sa internet at iba pang mahahalagang impormasyon tulad ng paglalagay sa alanganin ang seguridad ng bansa at kahit na mapabagsak ang gobyerno.

Inisyu ni Hontiveros ang babala matapos ang pagtalakay ng Senado, sa budget ng Department of Energy (DOE) noong nakaraang linggo, na natuklasan ang mga tagapamahala at inhinyero ng China ay may access sa pagpapatakbo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nagpapatakbo ng electricity grid sa bansa.

Iniulat mismo ni Atty. Melvin Matibag, pangulo ng state-owned National Transmission Company (Transco), na ang China ay may kapabilidad na kontrolin ang transmission system ng bansa.

“Imagine a foreign country, which is an unrepentant trespasser and aggressor in our seas and territories, controlling our national electricity grid. It could cripple our entire society. It could sabotage our elections, shutdown our access to television, the internet and other communication technologies, cause the collapse of our economy and undermine our national security. It could even overthrow our government,” paliwanag ni Hontiveros.

“With the flick of a switch, China could plunge the whole Philippines into darkness. By the simple push of a button, our country could be at the mercy of China-made blackouts,” dagdag pa nito.

Ipinaliwanag ni Hontiveros na ipinadala ng NGCP ang kuryente mula sa power plants hanggang sa pangunahing grid ng bansa kung saan, ihahatid ito sa mga pasilidad ng mga kumpanya ng pamamahagi tulad ng Meralco.

Sinabi pa nito na ang State Grid Corporation of China ay nagmamay-ari ng 40% ng NGCP, na ang grid ay nagkokonekta sa Luzon at Visayas, na pinapayagan ang dating magpadala ng kapangyarihan sa huli at kabaligtaran.  Pinatatakbo din nito ang grid ng Mindanao na plano ng NGCP na kumonekta sa Luzon at Visayas.

Giit nito dapat imbestigahan ng Senado ang nasabing usapin upang masigurong hindi nakokompromiso ang supply ng kuryente sa bansa.

 

Read More

PINAS DELIKADO SA SURVEILLANCE PROJECTS NG DILG

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI lang ang seguridad ng mga kritiko ng gobyerno ang malalagay sa alanganin kundi ang national security sa surveillance project ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ito ang pinangangambahan nina Bayan Muna party-list Reps. Carlos Zarate at Eufemia Cullamat kaugnay ng nasabing proyekto na popondohan umano ng China at hahawakan ng Huawei.

‘Safe Philippine’ surveillance project of the Department of Interior and Local Government (DILG) “will only gravely place, ironically, in jeopardy and danger the lives of the people in numerous levels,” ani Zarate.

Ayon sa mambabatas, tiyak na maraming magaganap na paglabag sa karapatang pantao sa proyektong ito ay pangunahing biktima dito ay ang mga dissent o mga kritiko ng gobyerno.

Ang hindi nanganganib dito ay ang seguridad mismo ng bansa sa China lalo na’t ang Huawei ang hahawak sa proyekto gayung may history na ito sa pag-eespiya at hacking sa ibang bansa.

“Unsafe Philippines’ being a China-funded initiative and Huawei handling the surveillance project, this “Beijing-nization” of supposed public safety is in fact even a threat to Philippine national security,” ayon pa kay Zarate.

Dahil dito, dapat aniyang tutulan ang nasabing proyekto kahit sa tiniyak ni Sec. Eduardo Ano na pawang mga Filipino ang magpapatakbo sa surveillance projects na ito.

 

Read More

MEAT PRODUCTS GALING CHINA PINAGMULAN NG ASF SA PINAS

(NI ABBY MENDOZA)

INAMIN ni Agriculture Secretary William Dar na ang illegal na importation ng pork products galing China ang syang dahilan kung bakit mabilis ang naging pagkalat ng ASF virus sa bansa.

Ang smuggled meat na nakumpiska umano noong nakaraang buwan ay nagpositibo sa ASF at maaari na may mga smuggled na nakalusot na syang sanhi ng pagkalat na ng virus.

“That concludes really that this has been introduced by bringing it here, smuggling it here, introducing it here,” pahayag ni Dar.

Matatandaan na ilang refrigerated container vans na puno ng pork products mula sa China ang naharang sa Port of Manila, unang nakalista na tomato paste at vermicelli ang laman nito subalit nang suriin ay mga dimsum, dumplings, peking duck, fresh frozen duck deserts, pork meat at pork products, marinated chicken wings, minced vegetables na may karne, itlog at mga noodles.

Nilinaw naman ng DoH na patuloy ang kanilang ginagawang monitor sa mga pork products subalit walang dapat na ipangamba ang publiko dahil hindi human health concern ang ASF.

 

 

Read More

2 BATAS NG CHINA GAGAMITING SPY SA ‘PINAS — KIKO

kiko23

(NI NOEL ABUEL)

MULING nagbabala si Senador Francis Pangilinan na malagay sa alanganin ang seguridad ng bansa sa kasunduang pinasok ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng third telecommunications player Dito Telecommunity Corp. para magtayo ng tower sa loob ng military bases ng bansa.

Giit ni Pangilinan, dalawang batas ng China ang gagamitin umano ng nasabing bagong telecom  company para makakalap ng mahahalagang impormasyon sa bansa.

“There is a national security concern. Alam mong merong batas, dalawang batas ang China, iyong National Intelligence Law of 2017, at iyong Counter-Espionage Law of 2014. And in both laws, sinasabi ng mga batas nila, na ang organizations — private organizations and citizens –should cooperate in gathering of intelligence information by the state,” sa pahayag ni Pangilinan.

Sinabi pa nito na ang Dito telecom ay dating Mislatel, na consortium ng negosyanteng si Dennis Uy ng Udenna Corporation at subsidiary nitong Chelsea Logistics Corporation, at Chinese state-owned China Telecommunications Corporation, na parent company ng China Telecom.

“China Telecom is an organization. It is a Chinese company. What if the Chinese government says, ‘Oh, meron kayong access diyan. You are mandated to turn over information to us because we have the Counter-Espionage Law and we have the National Intelligence Law,’” dagdag pa ng senador.

Paliwanag pa nito na marami nang bansa tulad ng Australia, United States, Japan at New Zealand ang nagpatupad ng ban sa Chinese telecom giant Huawei dahil sa security concerns.

“Hindi biro itong China telco involvement dito sa ating military camps. Ang concern: gagamitin nu’ng Chinese government ‘yung information na nakukuha at dumaraan doon sa kanilang mga sistema para itulak ang interes ng China,”giit nito.

 

Read More