18 CLASSROOM ‘DI MAGAGAMIT MATAPOS ANG LINDOL

lindol44

(NI DONDON DINOY)

MAGSAYSAY, Davao del Sur-Ipinag-utos na ng alkalde sa naturang bayan sa lahat ng opisyal ng mga paaralan na napinsala ng malakas na lindol na hindi muna gamitin ang mga silid aralan na nagkaroon ng bitak dahil sa magnitude 5.6 na lindol, Martes ng gabi.

Ayon kay Mayor Arthur Davin, kailangang masiguro na ligtas ang mga guro at mag-aaral kung kaya’t kinakailangang maghanap sila ng “Temporary Learning Space” (TLS).

Tatlong paaralan ang lubhang naapektuhan ng pinsala at ito ay ang Bala National High School, Tacul Agricultural High School at Salud Cagas Vocational High School kung saan kinakailangang ma-relocate ang mga mag-aaral sa mas ligtas na lugar.

Sinabi ni Davin na hindi pa sila makagbibigay ng konklusyon hangga’t wala pang lumabas na resulta ng inspeksyon na isinagawa ng mga inhenyero mula sa sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang ma-consolidate ang anumang rekomendasyon.

Sa Lunes din babalik ang klase sa Salud Cagas Vocational and Technical High School sa Barangay Bacungan, ngunit nasa 18 mga classrooms ang hindi muna magagamit kung hindi dadaan sa inspeksyon ng DPWH.

Dahil dito, ililipat sa TLS ang nasa 300 mga mag-aaral at ang barangay gym sa lugar muna ang magiging lugar ng klase habang balik-normal na ang mga elementarya at ibang sekondarya noong Huwebes.

Ipinag-utos na rin ni Davin sa kanilang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council namaging alerto sa anumang uri ng sakuna lalo pa’t palaging dumaraan ang malakas na baha sa mga ilog nitong tag-ulan at parte na rin sa selebrasyon ng “National Disaster Resilience Month.”

Please follow and like us:
Read More

SURIGAO DEL NORTE NILINDOL

earthquake12

(NI JEDI PIA REYES)

NIYANIG ng magnitude 4.5 na lindol ang Surigao Del Norte, Linggo ng umaga.

Dakong alas-8:16 ng umaga nang ma-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagyanig sa layong 29-kilometro Hilagang-Kanlurang ng munisipalidad ng Burgos.

May lalim na 25-kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity II sa Borongan City sa Eastern Samar.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na aftershocks o pinsala dahil sa lindol.

Nabatid din mula kay Sancina Sulapas, ng Burgos Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, na wala pang naiuulat sa kanila na ano mang pinsala dahil sa lindol.

“Nag-iikot po ako at tinatanong yung residente kung naramdaman ba nila at kung may pinsala. Wala naman po, sa awa ng Diyos,” ayon kay Sulapas.

Please follow and like us:
Read More

SOUTHERN LEYTE NILINDOL

southern leyte12

(NI DAHLIA S. ANIN)

NIYANIG ng magnitude 5 ang karagatan ng Bohol at Leyte, Linggo ng umaga, ayon sa Phivolcs.

Ang sentro ng lindol ay naitala sa Bohol Sea 36 na kilometro sa Kanlurang bahagi ng Limasawa, Southern Leyte.

Naramdaman naman ang intensity 3 sa Cebu City, Mambajao at Camiguin, habang intensity 2 sa Palo, Leyte, ayon sa tala ng Phivolcs.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 30 kilometro.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente ngunit pinag-iingat ang mga residente dahil sa mga aftershock.

Please follow and like us:
Read More

PCSO NAGBIGAY NG P6.5-M AYUDA SA PAMPANGA, ZAMBALES

pcso12

(NI KEVIN COLLANTES)

INIANUNSIYO ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na kabuuang P6.5 milyon ang halaga ng calamity fund na ipinagkaloob sa mga lalawigan ng Pampanga at Zambales, na pinaka-naapektuhan ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon noong Abril 22.

Ayon kay PCSO Director Sandra Cam, P5 milyon sa naturang kabuuang halaga ang inilaan nila para sa Pampanga, habang P1.5 milyon naman para sa Zambales, upang ipantulong sa mga biktima ng lindol.

Sinabi ni Cam na ang naturang calamity fund ay itinakda ng PCSO Board of Directors (BOD) matapos ang isinagawa nilang pagbisita at assessment sa epekto ng lindol.

Matatandaang una nang tiniyak ni Cam na bukod sa calamity fund ay pagkakalooban rin nila ng medical assistance ang mga biktima ng lindol na naka-confine sa mga pagamutan, sa pamamagitan ng kanilang Individual Medical Assistance Program (IMAP).

Partikular na aayudahan ng PCSO ang dalawang empleyado ng gumuhong Chuzon supermarket, na sina Maria Lourdes Martin, 25, at Desiree Pacun, na kapwa naputulan ng binti, kaya’t pagkakalooban ng artificial legs upang kaagad na makabalik sa normal ang buhay ng mga ito.

Please follow and like us:
Read More

MAGNITUDE 8 NA LINDOL SA SURIGAO DEL NORTE, POSIBLE — PHIVOLCS

phivolcs100

(NI ABBY MENDOZA)

NAGBABALA ang Philippine Institute of Volcanology(Phivolcs) sa posibilidad ng pagkakaroon ng 8.0 magnitude quake sa Surigao del Norte matapos umabot na sa 673 ang naitalang aftershocks sa Surigao del Norte matapos ang 5.5 magnitude quake noong Abril 26.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, ang kumpol-kumpol na lindol ay tinatawag na earthquake swarm, aniya, dalawang scenario ang maaaring mangyari kapag may earthquake swarm, una ay manatili ang pagkakaroon ng maliliit na pagyanig at ang ikalawa ay  maaring magdulot ng malakas na lindol, sa kaso umano sa Surigao ay binabantayan nila ang posibilidad na umabot ng magnitude 8 at maaaring magdulot ito ng tsunami.

Nitong unang bahagi ng  taon ay nagkaroon na rin ng earthquake swam sa ibat- ibang bahagi ng bansa  at pagkatapos nito ay nagkaroon ng 6.0 magnitude quake, maaari umano na ganito lamang din ang mangyari o mas malakas na sya ngayong minomonitor ng Phivolcs.

“Hindi natin iniaalis ang maging scenario natin diyan ay mga magnitude 8, na kung ganyan ang mangyayari na malakas eh yung tsunami naman ang ating babantayan,” pahayag ni Solidum.

Ipinaliwanag ni Solidum na kung pagbabantayan ang mga kaso ng swarm earthquakes sa Surigao ay wala namang malaking nangyari ngunit hindi umano dapat maging kampante.

“Hindi talaga natin pwedeng tanggalin yung ganung scenario at kailangan pa rin bantayan at maging handa,” giit pa ni Solidum.

Kasabay ng babala ay umapela si Solidum  sa mga residente na nasa coastal communities sa Surigao na palagiang maging alerto, iminungkahi din ng Phivolcs sa lokal na pamahalaan na magkaroon ng regular na pagsasanay upang maging handa sa lindol o tsunami.

Please follow and like us:
Read More

PINSALA NG LINDOL UMABOT NA SA HIGIT P500-M

lindol12

UMAABOT na sa halos P500 milyon ang pinsalang naidulot ng lindol na tumama sa Luzon, ayon sa disaster agency nitong Linggo.

Lumikha ng panic ang 6.5 magnitude na lindol kung saan nagtakbuhang palabas ang mga empleyado bandang alas-5:11 ng hapon noong Lunes. Nawasak din ng lindol ang Clark International Airport at hindi nakapag-operate sa loob ng 48-oras, gayundin ang paggiba sa apat na palapag na gusali ng Chuzon supermarket, isa sa pinakamatinding napinsala ng lindol sa Porac, Pampanga.

Tinataya sa P505.9 milyong halaga ng 334 imprastraktura ang naapektuhan sa Metro Manila at sa Ilocos, Central Luzon at Calabarzon regions, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa pinakahuling report ng ahensiya, ang  Central Luzon ang sinasabing  pinakamatinding napinsala na umabot sa P222.6 milyon ari-arian ang nawasak kabilang ang mga eskuwelahan habang  P200 milyon sa mga kalsada at tulay, ayon pa sa report.

Namatay ang 18 katao sa lindol at sugatan naman ang 174 iba pa. Lima naman ang naitalang nawawala.

 

Please follow and like us:
Read More

CHUZON SUPERMARKET: WALA NANG SENYALES NG BUHAY 

porac123

(NI JESSE KABEL)

IDINEKLARA nitong Sabado ng Office of Civil Defense (OCD) na clear na ang gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga matapos na wala na talagang palatandaan na may na-trap pa sa ilalim ng mga guho ng nasabing pamilihan.

Ayon sa Pampanga PNP,  ginawa ng Office of Civil Defense ang deklarasyon sa gitna ng mga ulat na may lima katao pa ang nawawala.

Ayon sa kapulisan sa nasabing lalawigan, sa ibang lugar na lamang nila hahanapin ang mga iniulat na missing.

“Na-declare na po ng mga OCD na cleared na po ang area ,” pahayag sa media ni  Police Col. Jean Fajardo, Pampanga Police Provincial Director.

Ang  4-storey supermarket ay gumuho nitong Lunes kasunod ng 6.1-magnitude earthquake na tumama sa Luzon, yumanig sa Zambales at Pampanga at mga kalapit lalawigan, kabilang ang Metro Manila.

Umabot sa 18 ang bilang ng nasawi at lima sa mga ito ay nakuha sa gumuhong Chuzon Supermartket.

Please follow and like us:
Read More

INSPEKSIYON SA MGA KOMPANYA IKINASA NG DOLE

DOLE12

(NI FRANCIS SORIANO)

DAHIL sa naganap na magnitude 6.1 na lindol ay magsasagawa na ng inspeksyon ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa dalawang kompanya na inireklamo dahil sa hindi pagsunod sa safety protocols.

Ayon kay Assistant Labor Secretary Benjo Benavidez,  may mga inspectors na sila na ipakakalat para sa iberepika ang mga ulat na natatangap ng ahensiya.

Ito’y matapos ang sunud-sunod na reklamo ng ilang grupong manggagawa ng ilang mga kompanyang ayaw munang banggitin na pinabalik agad ang kanilang empleyado matapos ang lindol.

Dagdag pa ng ahensiya, dapat tiniyak muna ng kompanya na ligtas at walang sira ang gusali bago tuluyang pabalikin ang kanilang mga empleyado.

Kung may makikita na paglabag dito ay makatatangap na kaukulang parusa ang may-ari ng kompanya na naayon sa batas.

Please follow and like us:
Read More

ROTC CADETS SASANAYIN SA DISASTER MANAGEMENT

rotc

(NI BERNARD TAGUINOD)

IMINUNGKAHI ng isang minority congressman na sanayin din ang mga  Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Cadets sa disaster management upang makatulong ang mga ito sa panahon ng kalamidad.

Ginawa ni House assistant minority leader Salvador Belaro Jr., ang mungkahi sa gitna ng sunud-sunod na lindol na naranasan sa iba’t ibang panig ng bansa sa mga nakaarang mga araw.

“Kasama rin dapat ang disaster management sa mga itinuturo sa ROTC. Iyang ROTC, hindi iyan dapat puro martsa at pagbibilad sa araw. Civic duty and responsibility dapat ang focus niyan,” ani Belaro na vice chairman ng House committee on higher and technical education.

Noong Pebrero ay pinagtibay na ng Kamara sa ikalawang pagbasa na gawing mandatory ang ROTC kaya hindi pa ito naipapatupad sa lahat ng mga eskuwelahan sa bansa.

Sakaling maging ganap na batas ang nasabing panukala ay ipatutupad ito sa Senior High School o Grade 11 at 12 para maibalik umano sa kabataan ang mga pagmamalasakit at pagmamahal sa bayan.

Gayunpaman, marami pa ring mga eskuwelahan ang mayroong ROTC na ang karaniwang ginagawa umano pagbibilad sa araw at pagmamartsa bilang kanilang training.

Naniniwala ang mambabatas na malaki ang maitutulong ng mga ROTC cadets pagdating sa pagtulong sa mga biktima ng mga kalamidad kapag nasanay ang mga ito ng maayos.

Lalong kailangan na kailangan umano ito ngayon dahil hindi lang ang lindol ang problema ng bansa kundi mga bagyo na habang tumatagal ay kapansin-pansin na palakas ng palakas.

“Kasama dapat ang first aid training sa disaster management modules anuman ang grade level sa paaralan,” ayon pa sa mambabatas.

 

Please follow and like us:
Read More