NATHALIE HART BALIK-SHOWBIZ

0

IT was in June 2018 nang aminin ni Nathalie Hart ang kanyang pagbubuntis courtesy of her real estage developer boyfriend then na si Mayank Sharma na isang Indian national.  Inamin din noon ng actress na nakatakda niyang isilang sa Sydney, Australia ang kanyang baby.

She did not reveal kung kelan niya isinilang si Penelope na sa pagkakaalam namin ay one-year-old na.

Sa isang panayam, inamin ni Nathalie na mutual umano ang kanilang paghihiwalay dahil wala na umanong unity ang kanilang relasyon due to personal (and cultural) differences.

There was also a time na natakot si Nathalie na baka hindi na siya makabalik sa showbiz dahil may anak na siya.  In 2018 siya ang isa sa pinaka-in demand actress sa telebisyon at pelikula.

She was even pregnant when she promoted her last movie bago niya ipinanganak si Penelope.

Ayon kay Nathalie, si Penelope umano ang dahilan kung bakit pursigido siya sa kanyang pagbabalik-showbiz.  And luckily for her, maluwag siyang nakabalik.

First project niya sa kanyang pagbabalik ang isang iWant movie original na “Barbara Reimagined” kasunod na rito ang pagpasok ng kanyang character sa tumaktakbong afternoon TV series na “Pamilya Ko”.  May dalawa rin siyang movie sa bakuran ng Viva, ang “Kunwari Mahal Kita” with Ryza Cenon and Joseph Marco at ang comedy movie na “Pak Boys” kung saan tampok sina Janno Gibbs, Andrew E., Dennis Padilla at Jerald Napoles.

On speaking terms umano  ngayon sina Nathalie at Mayank dahil sa kanilang anak na si Penelope.  Katunayan, dumating sa bansa si Mayank sa karawan ng bata.

BALIKANG MAJA SALVADOR AT EX-BF MAUUWI SA KASALAN

Ang boyfriend ngayon ni Maja Salvador na si Rambo Nunez ang susunod na magpu-propose sa taong ito.

Magmula nang magkabalikan sina Maja at Rambo ay nagtuluy-tuloy na ang magandang relasyon ng dalawa na inaasahang mauuwi sa kasalan lalo pa’t nasa edad na sila pareho.

Pero kung ang trabaho ni Maja ang iisipin ay baka nga mabalam ang planong pagpapakasal ng dalawa.

Hindi ikinakaila ni Maja na sumasabit umano sa kanilang usapan ni Rambo ang tungkol sa kasal pero hindi umano ito mangyayari any day soon.

Very proud si Rambo sa kanyang nobya dahil sa pagiging dedicated nito sa kanyang trabaho.

VILMA AT EDU SABIK NANG MAGKAAPO KAY LUIS

Ang isa pang couple na inaabangang mai-engaged this year ay sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.  Pero natatawa lamang ang dalawa sa tuwing tatanungin si Luis kung kelan ito magpu-propose sa kasintahan.

Ultimo ang estranged parents ni Luis na sina Rep. Vilma Santos (ng Lipa, Batangas) at Edu Manzano, ay umaasa na ring magkaroon ng sarili nilang apo pero as usual, ayaw magpa-pressure ng TV host-actor, celebrity endorser and successful entrepreneur.  May suspetsa ako na hihintayin muna ni Luis na siya’y mag-40 (on April 21) bago siya mag-asawa.

Hindi kaya?

Wala nang dapat pang patunayan si Luis pagdating sa pagbuo ng isang pamilya dahil napaka-stable na ng kanyang income mula sa kanyang pagiging TV host-actor, celebrity endorser at bilang isang successful businessman.

Napaka-suwerte umano ni Jessy kapag siya ang pinakasalan ng Luis.

PROPOSAL NG BF KAY JASMINE CURTIS-SMITH INAABANGAN

Marami ang nag-aabang sa proposal ni Jeff Ortega sa kanyang nobyang si Jasmine Curtis-Smith, ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis.

Kamakailan lamang ay nag-celebrate ng kanilang 4th anniversary bilang magkasintahan sina Jasmine at Jeff na isang surfer at entrepreneur at nagmula sa isang may sinasabing pamilya sa Norte.

Bago si Jeff ay naging kasintahan ng actress ang singer-actor-dancer-host na si Sam Concepcion na hiwalay na rin sa kaisa-isang anak na babae ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano na si Kiana.

ANNE CURTIS MANGANGANAK SA MARSO

Next month na, buwan ng Marso, nakatakdang isilang ni Anne Curtis ang  kanilang magiging first baby ng husband niyang si Erwan Heussaff, na isang girl.

Kung excited ang mag-asawang Anne at Erwan, ganoon din ka-excited ang younger sister ng actress-TV host and celelebrity endorser na  si Jasmine Curtis-Smith na makita ang unang pamangkin.

BREAK-UP NINA JAMES AT NADINE, FAKE?

May nakarating sa aming balita na kesyo fake umano ang napabalitang break-up nina James Reid at Nadine Lustre.  Ginawa lamang umano ng dalawa ang balitang ito para pag-usapan at magkaroon ng ingay ang kanilang relasyon.

Ang dalawa ay busy ngayon sa kanilang magkahiwalay na bagong TV series sa Kapamilya Network.  Ginagawa ni James ang “Soulmate Project” kung saan ang K-Pop star na si Nancy McDonie ang kanyang kapareha.  Si Nadine naman ay kasisimula lamang sa kanyang bagong action-drama series, ang “Burado” kung saan niya mga kabituin sina Julia Montes, Zanjoe Marudo, Paulo Avelino at ang Thai actor na si Denkhun Ngamnet.

Ang “Soulmate Project” at “Burado” ay first TV series ng dalawa na hindi sila magkasama.

 

 

Read More

KAYA NA BA I-MANAGE NI JAMES REID ANG CAREER NILA NI NADINE?

0

(NI ASTER AMOYO)

DAPAT sana’y kasama si Nadine Lustre sa Metro Manila Film Festival movie na “Miracle in Cell No. 7,” local adaptation ng hit Korean movie of same title in 2013.  Ito’y pinagbibidahan ni Aga Muhlach at ni Xia Vigor na gaganap bilang mag-ama.  Paglaki ni Xia ay gagampanan naman ni Bela. Pero bago pa man nagsimula ang filming ng nasabing pelikula ay umatras na sa proyekto si Nadine kaya pinalitan siya kay Bela who readily accepted the role intended for Nadine.

Bago nag-back out si Nadine ay una nang umatras ang kanyang boyfriend na si James Reid sa pagbibidahan sana nitong pelikula, ang remake ng Pedro Penduko.  Pero bago rin nasimulan ang nasabing movie ay nag-back out na si James at kasunod na rito ang kanyang pagkalas sa pamamahala ng Viva to put up his own outfit, ang Reid Entertainment bukod pa sa kanyang sariling record label, ang Careless Music Manila.

May kontrata pa si Nadine sa Viva Artists Agency (VAA) kaya naiwan pa ito sa kumpanya na siyang nag-build up sa kanila ni James.  Pero ang suspetsa ng marami na aalis din si Nadine sa pangangalaga ng Viva sakaling matapos ang kanyang management contract to join her live-in partner na si James.

Sina James at Nadine ay huling nagsama at napanood sa hit movie na “Never Not Love You” na dinirek ni Antoinette Jadaone under Viva Films at siyang nakapaghatid kay Nadine ng ilang Best Actress trophies mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

Nalulungkot naman ang mga fans ng JaDine dahil baka matagalan ang muling pagtatambal ng dalawa dahil wala sa immediate plans ng Viva ang muli silang pagtambalin sa TV, pelikula at maging sa live concert.

Ang Viva Live din  ang nag-produce ng kanilang magkahiwalay na sold-out concerts sa Big Dome (Araneta Coliseum).

Ang loveteam nina James at Nadine ay nabuo nang sila’y pagtambalin ng Viva sa una nilang pelikula na tumabo sa takilya, ang “Diary ng Panget” na agad sinundan ng “Talk Back and You’re Dead” na isa ring hit movie and the rest ay history nang maituturing.

Matagal na ring napapabalita na nagli-live in na rin ang magkasintahan.

JUANCHO AT JOYCE HANDS ON SA WEDDING PREPARATION

Pinaghahandaan na ng dalawang Kapuso talents na sina Juancho Trivino at Joyce Pring ang kanilang nalalapit na pagpapakasal matapos aminin ng dalawa nito lang nakaraang buwan na nung August 3, 2019 pa sila engaged na nangyari sa Boracay na itinaon sa kaarawan ng ina ni Joyce.

Nung nakaraang September ay nagtungo si Joyce ng New York kung saan siya nagsukat ng kanyang wedding gown.

Hands-on ang engaged couple sa preparasyon ng kanilang nalalapit na pag-iisang-dibdib at kasama na rito ang pakikipag-usap sa iba’t ibang suppliers.

Sina Juancho at Joyce ay parehong 26 years old.  Nagkalapit ang dalawa sa set ng morning show ng GMA, ang “Unang Hirit” kung saan sila segment hosts.  Masayang-masaya naman ang mga main hosts ng programa na pinangungunahan ni Arnold Clavio para sa dalawa.

SEXY HIPON GOING PLACES

Going places na rin si Herlene Budol na mas kilala ngayon as Sexy Hipon na isa sa mga discoveries ng programang “Wowowin” ni Willie Revillame.

Si Herlene ay isa na ngayon sa mga co-hosts ng game show host at producer na si Willie.  Dahil sa “Wowowin” ay nakilala ni Herlene ang kanyang Prince Charming na si Patrick, isang guwapong Filipino-American US Navy na bumalik pa sa programa para bigyan ng bulaklak at pasalubong si Sexy Hipon.  Last November 30 ay binigyan si Herlene ng kanyang acting debut sa pamamagitan ng isang special episode ng “Magpakailanman”.  Inaasahan din na masusundan pa ng marami ang kanyang unang appearance sa drama anthology hosted by Mel Tiangco.

Masaya rin si Willie sa gumagandang takbo ng karera ngayon ni Herlene or ni Sexy Hipon.

 

Read More

ALEX GONZAGA PUMALIT SA ENDORSEMENTS NINA BEA, NADINE

0

PETERLEDESMA(NI PETER LEDESMA)

PANAHON talaga ngayon ni Alex Gonzaga. Sikat sa kanyang Vlog na nasa  second year na.

Walang episode si Alex na flop. Lahat ay  matataas ang views at maraming sponsors.

Kasi maliban sa very entertaining ang comedienne/host ay ginagastusan talaga niya ang sariling vlog lalo na kapag nagso-shoot siya sa abroad. Sa kasikatan ng nakababatang Gonzaga maging ang CEO ng ABS-CBN na si Ma’am Charo Santos ay naengganyong makipag-collab sa kanya. Pati siManila Mayor Isko Moreno at Raffy Tulfo. Kaya’t maging ang mga advertising agency ay si Alex rin ang paborito nilang kunin

ngayon. Yes kaliwa’t-kanan ang product endorsements ngayon ni Alex kabilang na ang JAG Jeans. Siya na rin ang pumalit sa matagal ng ineendorso ni Bea Alonzo na Secosana Bag at Nails Glow ni Nadine Lustre. Bukod pa rito ay may ilan pang naka-line-up na endorsements ang dalaga ni Mommy Pinty.

May movie rin si Alex sa Viva Films kung saan si Xian Lim ang kanyang kapartner. Patok pa rin hanggang ngayon sa YouTube ang “Chambe” ni Alex G na meron ng 27 million views and still counting.

 

Read More

NADINE, KATHRYN INISNAB NG LUNA AWARDS

0

olea(NI JERRY OLEA)

INISNAB ng 37th Luna Awards sina Nadine Lustre (Never Not Love You), Kathryn Bernardo (The Hows of Us) at Gloria Romero (Rainbow’s Sunset)!

Ang mga nominadong Best Actress sa kanilang awards night ay sina Angelica Panganiban (Exes Baggage), Glaiza de Castro (Liway), Ai Ai de las Alas (School Service), Anne Curtis (Sid & Aya), at Agot Isidro (Changing Partners).

Ang Nominees’ Night ng 37th Luna Awards ay gaganapin sa Nobyembre 20, Miyerkules, 6:30  PM sa Delgado 112, Sct. Delgado St., QC, samantalang ang Awards Night ay sa Nobyembre 30, Sabado, 5:30 PM sa Maybank Performing Arts Theater, BGC, Taguig City.

DANIEL NOMINADO

Nag-join forces ang Film Academy of the Philippines (FAP) at Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa 37th Luna Awards.

Tig-siyam ng nominasyon dito ang Signal Rock at Liway, samantalang tigwalo ang Buy Bust at Goyo: Ang Batang Heneral.

Ang mga nominadong BEST ACTOR ay sina Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset), Christian Bables (Signal Rock), Nicco Manalo (Gusto Kita with All My Hypothalamus), Daniel Padilla (The Hows of Us), at Dingdong Dantes (Sid & Aya: Not A Love Story).

Ligwak si Paulo Avelino (Goyo: Ang Batang Heneral).

Ang mga nominadong BEST SUPPORTING ACTRESS ay sina Aiko Melendez (Rainbow’s Sunset), Daria Ramirez (Signal Rock), Max Collins (Citizen Jake), Nova Villa (Miss Granny), at Sunshine Dizon (Rainbow’s Sunset).

Laglag si Cherie Gil (Citizen Jake)!

Ang mga nominadong BEST SUPPORTING ACTOR ay sina Arjo Atayde (Buy Bust), Soliman Cruz (Liway), Carlo Aquino (Goyo: Ang Batang Heneral), Epy Quizon (Goyo: Ang Batang Heneral), at Mon Confiado (Signal Rock).

Ang mga nominadong BEST MOTION PICTURE ay ang Signal Rock, Liway, Buy Bust, Goyo: Ang Batang Heneral, at Gusto Kita with All My Hypothalamus.

Hindi pumasa sa pamantayan ng FAP ang The Hows Of Us, ang pinaka-blockbuster movie ng 2018.

Wala rin ang alinman sa tatlong movie na pinagbidahan ni Eddie Garcia — ML, Hintayan ng Langit, at Rainbow’s Sunset.

Ang mga nominadong BEST DIRECTOR ay sina Chito Roño (Signal Rock), Kip Oebanda (Liway), Erik Matti (Buy Bust), Dwein Baltazar (Gusto Kita with All My Hypothalamus), at Irene Villamor (Meet Me in St. Gallen).

Initsa-pwera si Jerrold Tarog na direktor ng Goyo!

DIREK WENN AT SOXIE, NOVA AT MOTHER LILY MGA SPECIAL AWARDEE

Kikilalanin sa 37th Luna Awards ang mga yumaong direktor na sina Wenn Deramas at Soxie Topacio para sa Lamberto Avellana Memorial Award.

Ipagkakaloob kay Nova Villa para ang Manuel de Leon Exemplary Award, at kay Mother Lily Monteverde naman ang Fernando Poe Jr. (FPJ) Lifetime Achievement Award.

Isa sa mga inaabangan sa 37th Luna Awards Night ang segment para “Sine Sandaan” na tungkol sa Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino  (100 Years of Philippine Cinema).

Ang bagong director general ng FAP ay si Bb. Vivian Velez.

Say mo, Cristine Reyes?!

 

 

Read More

TONI PINATANGGAL SA COMMERCIAL

0

PETERLEDESMA(PETER LEDESMA)

Kahit na may asawa’t anak na si Toni Gonzaga ay protektado pa rin ni Mommy Pinty ang career ng TV host-actress bilang manager nito. At sa lahat ng ayaw ni Mommy Pinty ay ‘yung inaapi ang kanyang mga anak na sina Toni at Alex Gonzaga.

Kaya kung mapapansin na wala na si Toni sa TVC ng kilalang brand ng conditioner ay dahil pinatanggal ‘yung part niya ni Mommy Pinty. Lumalabas kasi na sina Heart Evangelista at Nadine Lustre ang ginawang mga bida samantalang matagal na kay Toni ang commercial na ito.

Kinausap raw talaga ni Mommy Pinty ang kumuha kay Toni at agad sinabing i-pull out na lang si Toni kaysa sa magmukhang starlet kina Heart at Nadine.

Well, tama naman si Mommy Pinty dahil mas big star naman si Toni compared sa dalawang aktres. Kumita na ba ang movies ng dalawa nang P800 million na tulad ng Starting Over Again nina Toni at Piolo Pascual?

Maging sa TV, walang binatbat ang dalawa kay Toni na hanggang ngayon ay humahataw pa rin sa taas ng ratings ang weekly sitcom nitong “Home Sweetie Home.”

LOVI AT JOEM, ITINODO ANG INTIMATE SCENES

Wala pang flop na sexy movies si Lovi Poe, at dahil malakas ang dating ng bagong pelikula ni niya with Joem Bascon na The Annulment ay malamang pumatok rin ang team-up ng dalawa lalo’t napapanahon ang tema ng film.

Nagbabaga ang kanilang intimate scenes bilang mag-asawang sina Gari (Poe) at Sherwin (Bascon). Kailangan daw na bold na bold ang dating ni Lovi sa mga eksena niya rito.

Mula sa pagiging sweet honeymooners until nagkaroon ng problema ang mag-asawa at umabot na ito sa marital rape na umabot pa sa pang-iinsulto ng wife sa kanyang husband.

Sabi ni Direk Mac Alejandre ay suwerte siya dahil ang mga ito ang napili ng Regal para magbida sa The Annulment ng Regal Entertainment, Inc.

Walang kiyeme sa love scenes sina Joem at Lovi. Basta kung ano ang sabihin ni Direk Mac, go lang silang dalawa lalo’t mahusay daw ang kanilang director sa pagkuha ng ganitong mga eksena.

Palabas na ito sa mga sinehan simula November 13.

Read More

DAHIL SA LARAWAN, NADINE PINAGHIHINALAANG BUNTIS

0

(NI LOURDES C. FABIAN)

MARAMI nang kontro‑ bersyang kinasangkutan si Nadine Lustre in the past but the actress chose not to get affected by issues, lalo na ‘yung malayo sa katotohanan.

Lately Nadine has been the subject of pregnancy rumors online – AGAIN! – matapos mapansin ng ilang netizen ang hindi mapigilang paglaki ng kanyang tiyan sa suot niyang black crop top and high-waisted pants in a recent photo na inilabas niya online.

Ito yung larawan ni Nadine at the airport on her way to Jakarta na ipinost niya sa Viva Artist Agency’s Instagram account na binaha ng katakut-takot na comments from netizens wondering if the actress is indeed pregnant.

In fairness, ‘yung iba namang netizens ay ipinagtanggol si Nadine na kesyo malaki lang siyang tingnan because the photo was taken from an unflattering angle.

Pero hindi rin niya napigilan ang ilang mga nakakita sa kanyang picture na magduda kung… “Buntis ba siya or just bloated? But still she’s beautiful!”

Kung matatandaan, early this year, kinumpirma ni James Reid that he and Nadine are living together matapos mapabalitang nagsasama na sila sa iisang bubong noong taong 2017.

Pero imbes na maalarma sa kumakalat na balita ay tinawanan lang nina James at Nadine ang tsismis na buntis si Nadine.

Nakatakdang maging co-director si Nadine sa gagawing music video ng boyfriend. Nanggaling mismo kay James na hindi lang lalabas sa kanyang music video ang girlfriend, dahil co-director pa niya si Nadine. So dito pala ngayon nakatutok si Nadine kaya hindi siya tumatanggap ng ibang proyekto.

Speaking of James…

Naglabas na ng official statement si James hinggil sa desisyon niyang pag-alis sa Viva Group and not renew his contracts with the management.

In his statement through his lawyers at Kapunan & Castillo Law Offices, James expressed his gratitude to the bosses and everyone at Viva who has contributed to his career’s success.

Part of James’ statement says: “To put an end to all the recent speculation, Mr. James Reid would like to make it clear that, after careful deliberation, he has decided not to renew his contracts with the Viva Group. James greatly appreciates the enormous contribution that has been made by his friends at Viva, especially ‘Boss Vic’ del Rosario and the management group, and expresses his sincere gratitude to everyone at Viva who has contributed to the success of his career in the Philippines’ entertainment industry over the past 7 years.”

Pinasalamatan din ni James ang mga kaibigan and colleagues sa ABS-CBN especially Ms. Cory Vidanes and assured his fans na patuloy siyang gagawa ng mga proyekto exclusively for the network.

The actor is now focusing on his music label Careless Manila and his own family management company, Reid Entertainment, Inc. Kasalukuyan siyang nagpapagaling sa mga tinamong injuries during the training for the ‘Pedro Penduko’ movie. Siniguro niyang malapit na uli siyang lumabas at mapanood ng kanyang mga supporters.

Hindi na nakabibigla na si Jennylyn ang leading lady ni Dingdong sa ‘DOTS’

HINDI na kami nagulat nang ianunsyo sa “24 Oras” na si Jennylyn Mercado ang magiging leading lady ni Dingdong Dantes sa Philippine adaptation ng hit Korean drama ng GMA -7 na “Descendants of the Sun”?

First time magtatambal sa teleserye sina Dingdong at Jennylyn, pero nagkasama na sila sa “Starstruck 7” dahil silang dalawa ang original hosts ng original artista search ng network.

Siyempre pa, ikinatuwa ni Jennylyn na siya ang napiling gumanap sa role originally played by Korean actress Song Hye-kyo.

“Happy ako dahil isang napakalaking blessing and opportunity ito para sa akin kahit na isang linggo o dalawang linggo pa lang natatapos ang ‘Love You Two’ at ‘StarStruck.’ Excited ako at medyo may pressure kasi, siyempre, kung hindi ko man malampasan at least dapat mapantayan ko man lang ‘yung expectations ng viewers at mga supporters ng ‘Descendants of the Sun,’” very excited na sambit ni Jennylyn.

 

Read More

NADINE MOVIE FLOP DAHIL SA LAKAS NG KATHDEN

nadine55
0

AGOSTO  7, Miyerkoles, nag-open ang pelikulang Indak na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Sam Concepcion. Ayon sa reports, nakakapanlumo ang sinapit ng pelikula, dahil sa second day nito, bumaba pa ng 35% ang kinita nito kumpara sa first day.

Isang linggo bago mag-open ang Indak, nag-open naman ang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Naging big hit ito at hanggang ngayon ay palabas pa rin nationwide. Hindi man binanggit kung magkano ang kinita ng Indak, sinasabing mukhang mahihirapan itong maka-P10 million sa buong run nito.

Read More