1 MILYONG NEW VOTERS SA BSKE TARGET NG COMELEC

TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na maabot ang isang milyong magpaparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) kahit pa sampung araw lamang ang inilaang panahon ng voter registration.

Sa ngayon, sinabi ng Comelec na nasa humigit-kumulang 200,000 na ang nakapagparehistro

Inilunsad ng komisyon ang sampung araw na voter registration noong Biyernes, Agosto 1, binuksan ito sa 19 sites para sa Special Register Anywhere program (SRAP) sa mga eskuwelahan, transport terminals, at piling hospitals.

Ayon kay Garcia, pinili nila ang mga lokasyon para sa registration booths dahil doon maraming tao.

Gayunman, sinabi ni Garcia na maabot man o hindi ang isang milyon ay hindi na aniya ito mahalaga.

Dagdag pa, nagpapasalamat pa rin sila kung maabot o hindi ang isang milyon na target voter registrants sa Agosto 10.

Sinabi ni Garcia, 75 porsyento o majority ng voter registrants sa ilang piling registration booths ay first-time voters. Karamihan din ay nagtungo sa booths upang i-reactivate ang kanilang voter registration.

Sakali namang ipagpaliban ang BSKE, sinabi ni Garcia na ipagpapatuloy ang voter registration sa Oktubre at matatapos sa Hulyo 2026.

(JOCELYN DOMENDEN)

23

Related posts

Leave a Comment