LALAKI PATAY NANG MABAGSAKAN NG PINUPUTOL NA NIYOG

NASAWI ang isang coco lumber cutter matapos mabagsakan ng punong niyog na kanyang pinuputol sa Brgy. Villa Reyes, San Andres, Quezon nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Alvin, 38-anyos, residente ng Sitio Kalamias, San Narciso. Ayon sa pulisya, gamit ang chain saw ay pinuputol ng biktima ang puno kasama ang kanyang helper nang biglang magbago ang direksiyon ng pagbagsak matapos tumama sa isa pang puno.

Tinamaan ang biktima at agad isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

(NILOU DEL CARMEN)

219

Related posts

Leave a Comment