10 ARAW NAWAWALA SA ITAAS NG BUROL NAKITA NENE NATAGPUANG PATAY

QUEZON – Matapos mawala ng 10 araw, natagpuang wala nang buhay ang isang batang babae sa isang magubat na lugar sa itaas ng burol sa Tayabas  City noong  Biyernes.

Kinilala ang bata na si Kaycee Sabornido Oabel, 10,  grade 5 student, ng ng Barangay Ilayang Alsam.

Batay sa report ng Tayabas police, natagpuan ni Marvin Exhija, tiyuhin ni Kaycee, na isang barangay tanod ang bata na nakahandusay sa damuhan sa loob ng gubat.

Ayon kay P/Col. Audie  Madrideo, director ng Quezon PNP, isinailalim na sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operative (SOCO) ang bangkay ng biktima at inaalam na rin kung may foul play sa pagkamatay nito.

Intact naman anya ang mga damit ng bata at wala pa rin ito sa state of decomposition, indikasyon na hindi pa ito natatagalang namamatay bagamat 10 araw na itong nawawala.

Ayon sa mga kaanak, huling nakita si Kaycee  noong Pebrero 19 nang  hapon  habang  naglalakad sa kanilang sityo. Nilou Del Carmen

235

Related posts

Leave a Comment