NAKAPAGTALA muli ng sampung namatay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Marso 24, habang umabot na sa 4,079 ang active cases.
Lima ang patay sa COVID-19 sa Valenzuela City, umakyat sa 851 ang aktibong kaso matapos na 152 ang magpositibo at 30 lamang ang naitalang gumaling.
Umabot na sa 11,921 ang confirmed cases sa lungsod, kung saan 10,763 na ang gumaling at 307 ang namatay.
Samantala, tatlo ang patay sa Malabon City, 163 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 8,730 na ang positive cases, 1,023 dito ang active cases.
Habang 57 pasyente ang gumaling, 7,409 ang recovered patients ng siyudad, at 298 ang pandemic fatalities.
Isa naman ang namatay dahil sa pandemya sa Navotas City habang sumipa sa 1,067 ang active cases. Umakyat na sa 7,622 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, at sa bilang na ito ay 6,327 na ang gumaling habang 228 ang namatay.
Isa ang ang patay sa Caloocan City dahil sa COVID-19 at umalagwa sa 1,138 ang active cases.
Sumampa naman sa 16,749 ang total confirmed cases sa lungsod, kung saan 15,083 na ang recoveries at 528 ang death toll. (ALAIN AJERO)
167
