10 MIYEMBRO NG AKRHO FRATERNITY, ARESTADO SA HAZING NG PWD SA BATANGAS

HAWAK na ng mga awtoridad ang sampung indibidwal na sangkot umano sa hazing ng Grade 6 na babaeng estudyante na sinasabing may sakit sa pag-iisip sa Lipa City, Batangas.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 11053 o Anti-Hazing Law at Republic Act 7610 o child abuse.

Kabilang sa mga natukoy na suspek ay sina Alma Lanorio, 42 anyos; John James Bordeos, 19 anyos; Patrick Lloyd Aala, 20 anyos; Jay-C Antiguerra, 31 anyos; Earel Manalo, 33 anyos; Angelita Villarin, 41 anyos; Christian Cuerdo, 23 anyos; Romar Soriano, 24 anyos; at dalawang menor de edad.

Ang sampu na sinasabing myembro ng Alpha Kappa Rho o Akro Fraternity ay itinuturong responsable sa hazing sa 18-anyos na estudyanteng person-with-disability (PWD) at residente ng nasabing lungsod.

Batay sa salaysay ng biktima at kanyang kaanak sa pulisya, nangyari umano ang hazing sa isang bakanteng lote sa Barangay Sabang, Lipa City matapos na ipasundo ang biktima ng isa sa mga suspek.

Kasunod nito ay piniringan muna ang biktima bago halinhinang pinalo ng paddle ng mga suspek ang binti ng estudyante na naging dahilan ng tinamo nitong mga sugat at pasa. (JG TUMBADO)

266

Related posts

Leave a Comment