BATANGAS – Arestado ang isang lalaki matapos halayin ang kanyang 11-anyos na pamangkin na nakitang nagti-Tiktok sa loob ng kanyang kuwarto sa bayan ng Balayan sa lalawigang ito.
Batay sa report ng Balayan Police, Biyernes ng gabi nang magtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima kasama ang kanyang nanay upang ipagharap ng reklamo ang suspek.
Ayon sa biktima, dakong alas-7:35 ng gabi, bigla na lamang siyang hinubaran ng suspek at ipinasok ang daliri sa maselang bahagi ng kanyang katawan nang makita siyang naka-short na nagti-Tiktok sa loob ng kuwarto.
Naaktuhan naman ng lola ng biktima ang pangyayari kaya tumigil ang suspek.
Agad nila itong isinumbong sa barangay officials na inaresto ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya.
Ayon pa sa biktima, hindi iisang beses na ginawa sa kanya ng suspek ang panghahalay.(NILOU DEL CARMEN)
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)