11 PA TUMBA SA PANDEMYA SA CAMANAVA

MULING nakapagtala ng 11 namatay sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area dahil sa COVID-19 noong Marso 19.

Bumanderang muli sa dami ng mga namatay at active cases ang Caloocan City, na nalagasan ng anim na pasyente at umalagwa sa 1,037 ang active cases.

Umabot na sa 16,181 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, kung saan 14,621 na ang gumaling at 514 ang namatay.

Nabatid naman sa Malabon City Health Department na tatlo ang namatay sa lungsod sa nasabing araw, 97 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 8,035 na ang positive cases sa lungsod, 640 dito ang active cases.

Habang 53 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 7,109 ang recovered patients ng lungsod at 286 ang COVID-19 death toll.

Dalawa naman ang patay sa Navotas City at naging 682 ang active cases sa lungsod matapos na 71 ang gumaling at 11 ang magpositibo sa swab test.

Sumampa naman sa 7,004 ang confirmed cases sa lungsod. Sa bilang na ito ay 6,106 na ang nakarekober at 216 ang namatay.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang bagong ulat na inilalabas ang Valenzuela City. (ALAIN AJERO)

148

Related posts

Leave a Comment