12 GRUPO NG KABATAAN KINILALA SA VILLAR FOUNDATION AWARDS

SA ikawalong taon ng Villar Foundation Awards, pinarangalan ang mga natatanging youth organizations mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa paglaban sa kahirapan sa kani-kanilang mga komunidad.

Sampung grupo ang kinilalang Outstanding Youth Organizations at tumanggap ng ₱150,000 cash prize at tropeo. Dalawa naman ang itinanghal bilang Promising Youth Groups, na ginawaran ng sertipiko at ₱100,000 cash prize.

Umabot sa 67 nominasyon mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang natanggap ng Villar Foundation, na dumaan sa masusing pagsusuri upang mapili ang mga karapat-dapat na pararangalan.

Ginanap ang taunang pagkilala nitong Huwebes, Hulyo 31, sa Lungsod ng Las Piñas, at pinangunahan ito ng pamilya Villar. Dumalo rin ang ilang youth organizations na dati nang ginawaran, bilang suporta sa patuloy na adbokasiya ng programa.

(Danny Bacolod)

104

Related posts

Leave a Comment