13 NABITAG SA DROGA SA MAYNILA

ARESTADO ang 13 katao makaraang mahulog sa bitag ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police Station 3 sa inilatag na buy-bust operation sa Quiapo, Manila, noong Miyerkoles ng gabi.

Kumagat sa P500 halaga ng marked money ang mga suspek na kinilalang sina Peter Paul Lim y Misal, 32; Akmad Mamumasaragat y Maute, 29; Rozendo Oloy y Evangelista, 42; Manuel Cordero y Bebeng, 32; Rowena Salustiano y Lawson, 52; Reynilda Dollente y Narvaez, 58; Analyn Singgon y Lomabao, 36; Rusan Dela Rosa y Sabordo, 33; Marissa Meneses y Pleno, 37; Irene Calderon y Acay, 43; Raymart Monesit y Calipayan, 36; Mohammad Bombalo y Soungan, 38, at John Paul Baquizan y Madrigal, 38-anyos.

Batay sa ulat na isinumite ni P/Major Pidencio Saballo, hepe ng SDEU, kay P/Lt. Col. John Guiagui, commander ng MPD-Station 3, bandang alas-8:00 ng gabi noong Miyerkoles nang ilatag ang buy-bust operation sa panulukan ng Carlos Palanca Sr. at Carriedo streets, sakop ng Brgy. 306 sa Quiapo na nagresulta sa pagkakadakip kay Lim at 12 iba pang mga suspek.

495

Related posts

Leave a Comment