15 days palugit sa LGUs BIGAYAN NA NG AYUDA

BUKAS na (Agosto 11) magsisimula ang pamamahagi ng ayuda o financial assistance ng Local Government Units sa kanilang constituents na nakatira sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) areas.

Sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito ang napagkayarian sa nangyaring pulong ng Metro Manila Mayors noong weekend.

“Nag-meeting po ang mga mayor noong Sabado at Linggo kasama po ang DILG at kasama po si Rolly Bautista at doon po sa mga meeting na iyon we informed the various mayors na nandun na po, naibaba na po sa kanilang mga LGUs at pwede na po silang magsimula ng pamimigay,” ayon ay Usec. Malaya.

‘Ngunit, gusto ko lang pong i-emphasized na hindi po ganoon kabilis na maglabas ng pondo ang mga Local Government Units dahil una po, we will have to identify the distribution sites, we will have to authorize ‘yung mga special disbursement officers para mamigay ng pondo at kailangan din po na masiguro na walang kumpul-kumpulang mangyayari sa mga distribution sites natin. So, magmo-mobilize po tayo ng mga barangay tanod, mga PNP officers and most importantly kailangan pong masiguro na mayroong karampatang cash para masimulan ang pamimigay ng ayuda,” dagdag na pahayag nito.

Ang mga preparasyon aniyang ito ng LGUs ay magbabagal kaya sa pulong ng NCR Mayors ay napagkasunduan na magsimula na sila sa Miyerkoles, Agosto 11.

“Sa Miyerkules po, imo-monitor po ‘yan ng DSWD at ng DILG ang actual na distribution ng mga ayuda sa ating mga kababayan sa National Capital Region,” ani Usec. Malaya.

At base aniya sa ipinalabas na joint memorandum circular ng DSWD, DILG at PNP ay mayroon 15 days ang LGUs na tapusin ang pamimigay ng ayuda.

Subalit, batid naman aniya nila ang hirap ng pamimigay ng ayuda sa panahon ng Delta variant surge.

“So, dahil nga po dito sa Delta variant na ito, mahigpit pong ipatutupad ang social distancing at wala pong mass gathering sa pamimigay ng ayuda. So, nagsabi na po ang mga LGUs na kung saka-sakaling hindi nila matapos within 15 days ay baka pupuwede raw pong mag-request ng extension. At pumayag naman po si Sec. Eduardo Año at si Sec. Rolly Bautista ng extension upon the request of the local government unit kung ang dahilan ay dahil sa challenges of distributing during the time of pandemic dahil nga po kung distribution cash po ang magiging sistema ay marami pong tao ang lalabas. Mayroon pong ganoong klase ng arrangement na between the local government units, DILG, and the DSWD,” litanya ni Usec. Malaya.

Samantala, ipinadala na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para sa Laguna habang para naman sa Bataan ay tinutukoy pa kung ilang beneficiaries ang makatatanggap ng ayuda depende na rin sa rekomendasyon ng lokal na pamahalaan.

“May natanggap po akong briefer galing po sa DBM. Ang sabi po ay ang garantiya ay makatatanggap po ang Laguna at Bataan. Ang Laguna po ang proposal ng DBM ay financial assistance amounting to P2.715 billion. Itong computation daw po na ito ay isinumite ng DILG at nandyan ang actual na listahan ng disbursement at number of beneficiaries last April 2021 when Laguna was placed under ECQ,” ayon kay Sec. Harry Roque.

“Meanwhile, sa Bataan po , ang total cash aid ay kino-compute pa po based on on going consultation with DILG and the Bataan LGU,noh? So, ganoon pa riin po ang magiging arrangements natin ..P1,000 per person and maximum of P4,000 per household at sapat naman po ang ating savings at dividends para bayaran po itong ayuda sa Laguna at Bataan, kasama na po iyong sa Metro Manila, Cagayan de Oro City, sa Iloilo City,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

200

Related posts

Leave a Comment