PINASINUNGALINGAN ng City Government of Manila ang kumakalat na “walang pasok” advisory sa social media, at iginiit na hindi ito nagmula sa kanilang tanggapan.
Ayon sa Manila Public Information Office, ginaya umano ng pekeng post ang format at disenyo ng kanilang opisyal na anunsyo kaya nagdulot ito ng kalituhan sa publiko.
Nilinaw ng LGU na tanging sa official Facebook pages ng Manila PIO, City Government of Manila, at ni Isko Moreno inilalabas ang lehitimong advisory.
Mariin ding kinondena ng lungsod ang pagpapakalat ng maling impormasyon at nakikipag-ugnayan na sa mga awtoridad upang matukoy at papanagutin ang nasa likod nito.
(JOCELYN DOMENDEN)
114 