15 PAMILYA HOMELESS SA TONDO FIRE

TINATAYANG 15 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa apat na palapag na residential structure sa panulukan ng Maria Payo at Asuncion streets sa Tondo, Manila, noong Biyernes ng umaga.

Base sa ulat ni Fire Insp. Michael Ignacio ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa ika-apat na palapag na pag-aari ng isang Melencia Giao.

Bandang alas-7:59 ng umaga nang magsimula ang sunog na umabot sa ika-5 alarma at idineklarang fire-out dakong alas-8:59 ng umaga

Wala namang iniulat ang BFP na namatay at nasugatan sa nabanggit na sunog na umabot sa halagang P60,000 ang napinsalang mga ari-arian.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Arson Division hinggil sa posibleng sanhi ng sunog. (RENE CRISOSTOMO)

206

Related posts

Leave a Comment