KABILANG pa rin sa Special Concern Lockdown Areas (SCLA) ang 15 lugar sa Quezon City dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Partikular na lugar lamang ang sakop ng SCLA at hindi buong barangay.
Kabilang sa mga ito ang isang lugar sa Laura St., Brgy. Matandang Balara; bahagi ng Bukidnon St., Brgy. Ramon Magsaysay; bahagi ng Bukidnon St., Brgy. Ramon Magsaysay; bahagi ng Ilocos Norte St., Brgy. Alicia; isang lugar sa Iba St., Brgy. Salvacion; apat na lugar sa Broadway St., Brgy. Kristong Hari; isang lugar sa 10th Avenue, Brgy. Socorro; bahagi ng Lizardo St., Brgy. Dioquino Zobel; isang lugar sa Isarog St., Brgy. San Isidro Labrador; isang lugar sa Aguho St., Brgy. Claro; Dormitory Phase 3, Brgy. Nagkaisang Nayon; bahagi ng Ocampo St., Brgy. UP Campus; isang lugar sa Balingasa St., Brgy. Balingasa; isang lugar sa Ilocos Norte St., Brgy. Sto. Cristo, at isang lugar sa Del Mundo St., St. Martin Village, Brgy. Talipapa.
Ayon sa Quezon City government, ang tinukoy na mga lugar sa nabanggit na mga barangay ay isinailalim sa 14-day special concern lockdown dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Ang Lungsod Quezon ay nananatiling nangunguna sa dami ng mga kaso ng COVID-19 sa lahat ng mga siyudad sa bansa.
Ang lokal na pamahalaan ng lungsod ay namamahagi ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya at sila ay isasailalim sa swab testing at mandatory 14-day quarantine o higit pa kung kinakailangan. (JOEL O. AMONGO)
