18th CONGRESS KINILALA NG SUSUNOD NA SPEAKER

PARA kay incoming House Speaker Martin Romualdez, angkop na bigyang pagkilala ang hanay ng mga mambabatas sa Kamara na patuloy pa rin nagtrabaho sa kabila ng banta ng pandemya.

Paglalarawan ni Romualdez, nanatiling produktibo ang Kongreso dahil sa sakripisyo at dedikasyon ng mga kongresistang nagbigay daan para sa pagbalangkas at pagpasa ng mga batas na tumugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan sa kasagsagan ng pandemya – partikular ang Bayanihan 1 at 2 na nagsilbing hudyat para magamit sa COVID response at ayuda ang mga pondong nakalaan sa ibang programa at proyekto.

“I am proud to have walked these halls with all of you as we have faithfully discharged our duties to our nation and our people,” ani Romualdez na siya ring tumatayong pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD).

Sa datos ng Kamara, umabot sa 13, 526 legislative bills ang inihain ng mahigit 300 kongresista mula ng buksan ang 18th Congress Hulyo 2019. Sa nasabing bilang, pasok sa kategoryang panukalang batas ang 10,845 bills habang 2,681 naman ay mga inihaing House resolutions.

Sa kabuuan, 1,618 ang naaprubahan mula Hulyo 2019 hanggang June 2022 sa ilalim ng liderato ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano at outgoing Speaker Lord Allan Velasco. Umaabot naman sa 311 panukalang batas ang nakarating sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang lagda kabilang na ang 199 batas pambansa.

“While almost everybody were forced to stay in their homes for safety during the community quarantine, House Members, officials and employees went out of their way to report for work and perform their duties diligently,” dagdag pa niya.

Bukod sa mga panukalang batas na pinirmahan ni Duterte, umabot sa 310 national bills, 488 local bills at isang Resolution of Both Houses (RBH) ang pumasa sa ikatlo at huling pagbasa habang 13 naman ang inabutan ng pagsasara ng plenaryo.

“Together with President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., we, the incoming members of the 19th Congress look forward to working in a post-pandemic setting so we may put forward our 100 percent effort in helping the country rise from the effects of COVID-19. The Marcos administration is fully aware of this humongous challenge.” (BERNARD TAGUINOD)

271

Related posts

Leave a Comment