TARGET ng gobyernong Duterte na mas mapaaga pa ang 1st phase ng operasyon ng Manila subway Project.
Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, sa halip na February 2022 simulan ang unang yugto ng operasyon ng Manila Subway, pipilitin aniyang makapag-operate na ito ng December 2021.
Sinasabing taong 2025 naman inaasahang magiging fully operational ang proyekto na nagkakahalaga ng P355.6 bilyon.
Ang underground railway project ay bubuuin ng 17 istasyon na inaasahang makababawas ng malaking oras sa biyahe halimbawa mula Valenzuela hanggang sa NAIA 3.
Ang dati aniyang mahigit sa dalawang oras na biyahe mula sa Valenzuela depot hanggang NAIA 3 ay kakayaning makuha na lamang ng 45 minuto sa sandaling matapos na ang proyekto. (CHRISTIAN DALE)
73