2 CALOOCAN SUBDIVISIONS, ILA-LOCKDOWN

ISASAILALIM ng pamahalaang lungsod ng Caloocan sa lockdown ang subdibisyon ng Kingstown 2 at Queensville sa Barangay 171 mula alas-12:01 ng umaga sa Lunes, Marso 22, hanggang alas-11:59 ng gabi sa Linggo, Marso 28, 2021.

Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, ang ipatutupad na lockdown ng pamahalaang lungsod ay bunsod nang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 cases sa lugar.

“Kailangan muna nating limitahan ang galaw ng mga residente sa dalawang subdibisyon upang hindi na lumaganap ang sakit. Sa loob ng pitong araw na lockdown ay magsasagawa tayo ng mass testing, misting at disinfecting operations,” ani Mayor Malapitan.

Mamamahagi naman ng food boxes ang pamahalaang lungsod sa mga bahay kung kaya’t inabisuhan ang mga residente na maglagay ng mga upuan sa labas ng kanilang tahanan upang mapaglagyan ng kanilang food box.

Sa kasalukuyan, mayroong 15 kaso ng COVID-19 sa Queensville at Kingstown 2 habang may kabuuang bilang na 61 active cases naman ang Barangay 171. (ALAIN AJERO)

240

Related posts

Leave a Comment