ARESTADO ang dalawang hinihinalang mga holdaper sa isinagawang 3 minutes response ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) nitong Martes ng madaling araw sa Tondo, Manila.
Sa direktiba ni Police General Nicolas Torre III, PNP chief, bandang alas-2:10 ng madaling araw nang holdapin ang 33-anyos na driver sa Honorio Lopez Boulevard sa Barangay 129 sa Tondo, sakop ng MPD-Raxabago Police Station 1.
Agad namang nagresponde ang mga tauhan ni Police Major General Anthony Aberin, NCRPO chief, na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang holdaper na may edad na 33 at 22-anyos.
(RENE CRISOSTOMO)
