8 TAGUIG POLICE SINIBAK SA WARRANTLESS SEARCH

IPINASIBAK ni NCRPO Director Police Major General Anthony Aberin ang walo sa 10 pulis na sangkot umano sa pagpasok sa isang bahay nang walang search warrant noong Pebrero 9, 2025.

Batay sa isinagawang comprehensive investigation ng Disciplinary Authority ng NCRPO, lumitaw na napatunayang nagkasala sa kasong grave neglect of duty ang substation commander at maparurusahan ito ng one rank demotion.

Limang pulis naman ang napatunayang nagkasala sa kasong grave misconduct, less grave misconduct at conduct of unbecoming of a police officer, na may kaparusahang pagkakasibak sa serbisyo.

Habang napatunayan namang nagkasala ang tatlong pulis ng grave misconduct at conduct of unbecoming of a police officer, na may kaparusahan ng pagkakasibak sa kanilang serbisyo habang isa ang napawalang sala.

Sinabi ni Aberin, ito ang naging resulta ng kanilang masusing imbestigasyon makaraan ang apat na buwan, kung saan binigyan sila ng pagkakataon na ipagtanggol ang kanilang sarili.

Matatandaan na pinasok ng mga tauhan ng Substation 5 ng Taguig City, ang isang bahay noong Pebrero, 2025, nang walang kaukulang search warrant.

Nauna nang nag-viral ang video sa social media makaraang pasukin ng mga pulis ang bahay, kung saan inakusahan ang mga ito na kumuha ng P76,000 cash at mga gadget.

Tinakot din umano ng mga pulis ang mga complainant na huwag nang ituloy ang kaso laban sa kanila.

(TOTO NABAJA)

35

Related posts

Leave a Comment