P20-M PUSLIT NA YOSI NASABAT SA NEGROS ORIENTAL

NEGROS ORIENTAL – Tinatayang P20 milyong halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes ang nasabat sa inilunsad na joint police operation sa lalawigan, ayon sa ulat ng pulisya noong Lunes.

Ayon sa Regional Highway Patrol Unit na nakatalaga sa Negros Island, katuwang ang City Highway Patrol Team (CHPT) Bacolod at Special Operations Team (SOT) ng Negros Oriental, nagkasa sila ng isang interdiction operation matapos makatanggap ng intelligence report hinggil sa kahina-hinalang aktibidad sa area.

Ilang minutong inobserbahan ng mga pulis ang umano’y kahina-hinalang kilos ng ilang hindi nakikilalang kalalakihan na nagsasakay ng malalaking kahon sa isang van.

Nang uumpisahan na sanang magsiyasat ng mga pulis ay biglang nagpulasan ang mga suspek nang makita ang papalapit na mga awtoridad at inabandona ang kontrabando.

Ayon kay Police Colonel Hansel Marantan, Acting Director ng PNP-HPG, medyo naatraso ang paglapit ng mga operatiba kaya hindi nahuli ang driver at mga pahinante ng ten-wheeler truck na pakay ngayon ng imbestigasyon.

Base umano sa plaka ng truck na hawak ngayon ng mga pulis ay kikilalanin ng HPG ang may-ari nito at inaalam ano ang kaugnayan nito sa hinihinalang multi-milyong puslit na yosi.

“Let me be clear: smuggling is not just theft from the government — it is funding for criminal syndicates, and we will go after those who profit from it,” ani Marantan.

(JESSE RUIZ)

67

Related posts

Leave a Comment