2 MOST WANTED PERSONS LAGLAG SA QCPD

INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) director, P/Brig.

Gen. Danilo P. Macerin ang pagkakahuli sa dalawang most wanted persons sa pinagsanib na operasyon ng mga awtoridad sa magkahiwalay na lugar sa lungsod noong Marso 23.

Kinilala ni QCPD Director Gen. Macerin ang unang nadakip na si

Ruben Dayson, 62, residente sa Lily St., Brgy. Pasong Putik, Quezon City.

Si Dayson ay nadakip ng mga operatiba ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB), sa ilalim ng pamumuno ni P/Maj. Perfecto De Mayo, Jr., at ng Pasong Putik Police Station (PS-16), sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Eleazar R. Barber Jr., dakong alas-10: 45 ng umaga noong Marso 23.

Si Dayson ay nakalista bilang no. 3 most wanted person ng PS-16, dahil sa kasong rape.

Nahuli naman ng mga tauhan ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS-13) ang station level no. 6 most wanted person na si Eduardo Lucban Jr., 24, residente sa Sandakot St., Brgy. Payatas-B, Quezon City, dakong alas-12:50 ng hapon noong Marso 23, sa kanilang bahay.

Si Lucban ay nakalista bilang no. 6 most wanted person, PS-13 dahil sa kasong robbery. (JOEL O. AMONGO)

171

Related posts

Leave a Comment