2 MPD STATION COMMANDERS SINIBAK

PINATAWAN umano ng administrative relief ng Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) ang dalawang station commander ng Manila Police District dahil sa negligence at command responsibility.

Ayon sa inisyal na ulat, sinibak sa puwesto ang dalawang opisyal ng Manila Police District (MPD) kaugnay sa kapabayaan sa kanilang tungkulin.

Ipinag-utos umano ni PNP-National Capital Region Police Office chief, PBGen. Anthony Aberin ang pagsibak kina PLt. Col. Jason Manatad Aguilon at PLt. Col. Lazarito Fabros.

Si Aguilon ang hepe ng Police Station 10 sa Pandacan, habang commander ng Station 14 sa Barbosa si Fabros.

Wala pang kumpirmasyon mula kay MPD chief, Police Brigadier General Benigno Guzman ang hinggil sa lumutang na report na pagsibak sa kanyang dalawang tauhan.

Si BGen. Guzman na dating senior executive assistant ng Office of the PNP chief, ay katatalaga lamang bilang bagong pinuno ng MPD kapalit ni BGen. Arnold Thomas Ibay na inilagay naman ng PNP bilang officer-in-charge ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO NIR).

Batay sa nakalap na impormasyon, tinanggal umano si Aguilon matapos ireklamo ang isang “striker” ng Peñafrancia PCP na naglabas ng armalite at umabot ang ulat sa tanggapan mismo ng NCRPO Director.
Habang si Fabros ay inalis umano sa pwesto dahil sa insidente ng pamamaslang sa nominee ng Ang Bumbero ng Pilipinas Party-list na si Leninsky Bacud sa Sampaloc, Maynila, na ikinasugat din ng isang QCPD police na nagresponde sa insidente.

(JESSE KABEL RUIZ)

14

Related posts

Leave a Comment