INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Remus B. Medina, ang pagkaaresto sa tinaguriang no. 4 district level most wanted person at Northern Samar most wanted person, sa bisa ng warrants of arrest kahapon sa Quezon City.
Ayon sa ulat ng District Special Operations Unit (DSOU), sa pamumuno ni P/Lt. Col. Melgar Devaras, kinilala ang no. 4 district level most wanted person na si Marco Martirez, 42, residente ng Brgy. Batasan, Quezon City, at naaresto dakong alas-5:25 ng hapon, noong Hunyo 8, 2022 sa kanyang tirahan.
Si Martirez ay may nakabinbing warrants of arrest para sa mga kasong sexual assault, anim na bilang ng acts of lasciviousness , at dalawang bilang ng sexual abuse by lascivious conduct, na inisyu ni Judge Mary Ayn Tolentino Punzalan-Toribio, Branch 99, Regional Trial Court, Quezon City.
Samantala, inihain ng Masambong Police Station (PS 2), sa pamumuno ni P/Lt. Col. Imelda M. Reyes ang warrant of arrest sa tinaguriang most wanted person ng Northern Samar dakong alas-11:30 ng umaga, noong Hunyo 8, 2022 sa panulukan ng Del Monte Ave., at Malac St., Brgy., Masambong, Quezon City.
Kinilala ang arestado na si Claro Panday alyas “Karo”, 50, residente ng Brgy. Katipunan, Quezon City, may warrant of arrest para sa kasong murder na inisyu ni Judge Alma Consuelo B. Desales Esidera, ng Branch 22, 8th Judicial Region, Regional Trial Court, Laoang, Northern Samar. (JOEL O. AMONGO)
162 