2 PANG COCAINE BRICKS NATAGPUAN SA DAGAT

TAMA ang naging kautusan ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Wilkins Villanueva sa mga tauhan nito at maging sa local PNP units at mga elemento ng Philippine Marines at Navy, na maging alerto dahil posibleng may mga madidiskubre pang cocaine bricks sa area ng Cagayan matapos na makakuha ng tatlong bricks ang mga mangingisda sa lugar.

Noong Martes, dalawa pang bricks ng pinaniniwalaang cocaine ang natagpuang inaanod sa tubig-dagat sa Aparri, Cagayan Matapos makuha ang tatlong bricks ng cocaine na natagpuang lumulutang sa tubig-dagat sa pagitan ng Abulug at Ballesteros ng mga mangingisda noong Lunes, dalawa pang bricks na may katulad na marka ang narekober sa Barangay Fuga, Aparri noong Marso 22, 2022.

Sa report na isinumite kay DG Villanueva ni PDEA Region 2 Director Joel Plaza, ang natagpuang dalawa pang bricks na binalot ng transparent tape at brown tape na may logo ng Columbian Football Team, at naglalaman ng tinatayang tatlong kilo ng droga at may street value na P15,900,000, ay resulta ng pagsuplong ng komunidad.

Ayon kay RD Plaza, ang pinaigting na information drive at public awareness campaign na isinasagawa ng PDEA RO II at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan (PGC) sa pamamagitan ng “Comprehensive Anti-Illegal Drugs Plan” ay nagbubunga na. (JESSE KABEL)

130

Related posts

Leave a Comment