2 POLICE GENERAL SA CHOPPER CRASH BUMUBUTI ANG LAGAY

KINAKITAAN na ng pagbabago sa kalagayan ang dalawang police general na kabilang sa walong sakay ng nag-crash na PNP Bell 429 helicopter sa San Pedro, Laguna makalipas ang limang  araw.

Ayon kay PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa, sumasailalim pa rin sa close monitoring sina PNP Director for Intelligence Police Major General Mariel Magaway at Director for Comptrollership Police Major General Jose Maria Ramos.

Base sa huling update na nakuha ng PNP, nakikitaan sila ng health improvement bagaman kapwa nanatili ang mga ito sa intensive care unit.

Nasa stable condition naman sina Police Lieutenant Colonel Ruel Zalatar na piloto ng chopper, ang co-pilot na si Police Lieutenant Colonel Rico Macawili at crew na si Master Sergeant Louie Estona.

Subalit kinakailangan pa umanong sumailalim ang mga ito sa batteries of test at medical procedures, ayon pa rin kay Gamboa na bumalik na sa kanyang official function matapos ang nakagigimbal na insidente.

Si PNP spokesman Police Brigadier General Bernard Banac naman ay nakalabas na ng St. Luke’s Medical Center noong Sabado ng hapon. Habang noong Biyernes ay na-discharge din sa ospital ang aide de camp ni Gamboa na si Police Captain Kevin Gayramara. JESSE KABEL

123

Related posts

Leave a Comment