2 TIRADOR NG GASOLINAHAN, NALAMBAT SA CALOOCAN

ARESTADO ng mga awtoridad ang dalawang miyembro ng robbery holdup group na bumibiktima ng gasoline stations sa Caloocan City, noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) head, Lt. Col. Jay Dimaandal ang arestadong mga suspek na sina Saipoden Agal, 23, ng Hidalgo St., Quiapo, Manila, at John Ray Goopio, 19, ng Building 7, Katuparan. Vitas, Tondo.

Dakong alas-11:30 ng gabi, tinutukan ng mga suspek na armado ng .45 kalibreng pistola at cal. .22 revolver, si Edmond Rivera, 39, kahera ng Shell gasoline station sa C-3 Road, Dagat-dagatan, Caloocan City at nagpahayag ng holdap, kinuha ang P7,290 cash saka mabilis na tumakas.

Ayon kay P/MSgt. Julius Mabasa, hinabol ang mga suspek ng mga operatiba ng DSOU na nagsasagawa ng surveillance operation sa naturang lugar, nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito.

Sinabi ni Col. Dimaandal, nadakip ang mga suspek dahil sa impormasyon mula kina Lt. Col. Manny Israel at Lt. Col. Calvin Cuyag ng Northern District Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Hulyo 6, 2021 hinggil sa isang grupo ng mga holdaper na planong mangholdap ng gas station sa southern area ng Caloocan City. (FRANCIS SORIANO)

177

Related posts

Leave a Comment